Minabuti ni Miguel na hindi na lamang gisingan si Mayumi. Hindi niya alam kung bakit ito nandoroon pero kawawa naman kung gigisingan niya parang pagod na pagod ito. Kaya nagpasya siyang lumabas na lamang ng silid, pero pahakbang pa lamang siya ay... "G-Ginoo ko! Ay sir Miguel! N-Nandito po pala kayo! " bulalas nito na nagising na pala. Mabilis itong bumangon sa pagkakahiga, inayos nito ang sarili at tila napansin nito ang pagkaladlad ng dapat na hindi niya makitang bahagi ng katawan nito. Agad nitong hinawakan ang palda at naglumikot ang mga mata. Tila hiyang-hiya na hindi makatingin sa kanya. "Kanina pa po ba kayo dito S-Sir? Sorry po ano kasi napagod po ako sa p-paglilinis ng bahay at paghuhigas ng isang tambak na hugasan, nahiga po ako dito sa kama tapos hindi ko pa namalayan na n

