"Uhm kumusta po ang lasa sir, okey lang po ba? With love and care iyan kaya imposible naman po na hindi ninyo iyan magustuhan." nakangiting tanong ni Mayumi sa kanyang boss. "Masarap naman Mayumi, salamat ng marami." nakangiting wika nito. Dati na kasi niyang napansin na hindi nito masyadong nagugustuhan ang luto ni Manang dati na tinola. One time kasi nandito noon si Ate Marikit ang mahal dati ng kanyang sir pero batid niya na magpahanggang ngayon ay mahal pa rin nito iyon kahit na may asawa na ito. Pinakain siya nito sa loob ng bahay at luto ni Manang ang ulam tinola iyon. Narinig niya ang pasimpleng pagbulong nito kay Ate Marikit niya na pakiabot daw ang asin. Siya na nga ang umabot dito ng asin dahil sa kanya malapit ang asin ng time na iyon. Kaya ipinangako talaga niya noon na ma

