Emotional si Mayumi, habang nakatayo sa loob ng silid nang uupahan niyang tindahan. Parang kahapon lang simula ng umalis siya sa bahay ni Miguel ay nag-iisip pa siya kung papaano makakapagsimula sa lugar na patutunguhan niya. Sobrang nag-aalala pa nga siya dahil wala talagang katiyakan sa pupuntahan niya. Pero heto at wala ng problema. Nag-isip din siya na mamamasukan na lang bilang kasambahay o kaya naman ay mamamasukan siya kahit na tindera. Ngunit hindi niya akalain na mapapaayos pa ang kanyang kalagayan sa pupuntahang lugar dahil pumayag ang may-ari na buksan ang tindahan nito. Mabuti na lamang pala at kumuha talaga siya ng pera hindi man kalakihan pero batid niya na sapat na para pagsimulan niya sa tindahang iyon. Tabing kalsada naman, siguro kahit anong itinda niya ay mabibil

