Naalimpungatan si Mayumi ng maramdaman niya ang bahagyang yugyog sa kanyang balikat. Pagmulat niya ay maaga na pala, madaling araw kasi ng nakatulog siya sa biyahe kanina. Nailibot niya ang paningin sa paligid, mukhang nasa isang terminal sila. “Miss, nandito na po tayo sa terminal. Ito na po ang last bus stop Miss, pwede na po kayong bumaba dito.” Wika ng konduktor sa kanya na noon ay nasa may tagiliran niya. “Naku nakatulog na pala po ako manong sige po pasensya na po.” hinging paumanhin niya sa konduktor. Iyon lang at tumayo na siya sa kanyang kinauupuan. At minabuting bumaba na ng sasakyan kahit ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya patutungo. Nakakaramdam siya ng takot pero siguro naman, kahit papaano makakahanap siya ng matutuluyan. At kung wala ay baka matulog na laman

