“Wow sarap naman niyan wifey ko!” Masayang salubong sa kanya ni Miguel sabay kuha nito sa hawak-hawak niyang plato na naglalaman ng kutkutin pati na ang pitsel na may tinimplang juice. Pagkuha nito ng mga hawak-hawak niya ay minabuti niyang bumalik sa kusina. “Saan ka ba pupunta wifey ko, okey na itong pagkain na ito di'ba?” Nagtataka ang tanong nito sa kanya. “Kukuha na rin ako ng kanin tsaka ulam para habang naglalaro tayo eh susubo na lamang tayo dahil anong oras na rin naman. Meron naman palang nilutong ulam si yaya, nagluto siya ng adobong baboy kaya hindi ko na kailangan magluto ng pagkain para makakain natin.” Paliwanag niya dito. “Ah sige ikaw bahala, bilisan mo lang ha para makapag-live na tayo.” wika na lamang nito sa kanya tsaka minabuti na pumasok sa loob ng silid. Si

