Kanina pa naghihintay sa hapag kainan si Miguel dahil pananghalian na at kakain na silang dalawa. Nagpaalam lamang ito sa kanya na magtutungo sa likod ng bahay para pumitas ng kalamansi doon dahil nakalimutan kasi niya na bumili sa palengke. Tsaka meron din namang kalamansi sa likuran ng kanilang bahay kaya hindi na rin talaga siya bumili pa. Nag-request kasi si Mayumi sa kanya na fried pork ang kanilang ulam yung parteng taba dahil nagki-crave daw ito sa taba. Gusto pa nito ay malutong ang pagkakaluto niya ng parteng balat niyon. Maaga pa lang kasi ay request na iyon sa kanya ng kanyang mahal na asawa. Kaya naman minabuti niya na magtungo ng maaga sa bayan. Sabi nito ay wala rin daw ito sa mood magtungo sa store dahil masama ang pakiramdam nito. Ang nais nga sana niya ay sabawan lama

