"Grabe nag-family trip pala kayo. Hindi ninyo man lamang ako isinama at talagang dinala ninyo pa ang anak ko ha!" bungad agad ni Emma sa kanila pagkabukas niya ng bintana at tinignan ito. Bumaba naman ng van para buksan ang gate ang Papa Marikit. "Pumasok ka na Emma sa loob, hindi iyong magtatatalak ka diyan na para kang walang pinag-aralan. Pupunta-punta ka dito manggugulo ka lang! Pumasok ka na sa loob! Doon ka magtatalak ng makatikim ka sa'kin!" galit na singhal dito ng Papa ni Marikit. Siguro ay nagalit ito dahil may nakadungaw na isang kapitbahay nila sa bandang kanan ng kanyang bahay. Tinitingnan sila siguro ay narinig kung paano magtatalak si Emma dahil sa sobrang lakas ng boses nito. "Ano na naman bang problema ng babae iyan naku Mama. Napaano na ba yang bunso mo na yan, sumu

