Inaasahan niya na susunod ang babae sa loob ng bahay, okey lang naman iyon sa kanya basta wag lang sanang manggulo. Natural lang naman iyon lalo pa at nandito naman lahat ng kaanak nito. "Oh nasaan na yung pasaway kong kapatid ba't hindi pumasok?" tanong ng mama ni Marikit. "Wala po Mama eh, di ko alam kung tutuloy dito o maghahanap ng ibang matutuluyan po hindi ko rin alam kung anong pakay niya pero mukhang yung tungkol pa rin po sa amin ang pinoproblema niya. Hindi pa rin po talaga siya maka-get over, pinaliwanag ko na po sa kanya na hindi na nga kami pwede dahil kasal na kami ni Marikit. Sinabi ko na rin po sa kanya na mahal na mahal ko na si Marikit at hindi ko na kayang mawala pa ang pamangkin niya." paliwanag niya sa mama ni Marikit. Baka kasi isipin ng mga ito na inaway niya kay

