“ESTE initiative ko. Hinatid kita dito kaya naisip ko lang na kung hinatid kita, mas maganda sigurong pati pag-uwi ay sagot ko na din,” pagrarason ni Rick habang hindi makatingin ng diretso sa akin. Sa muli ay natawa si Sasha sa amin. “Alam mo, Lena pagbigyan mo na. Minsan lang ‘yan gumaganyan eh. Hindi niya madalas na ginagawa sa babae ang paghatid-sundo. Besides, malilibre ka pa sa pamasahe, kaya pagbigyan mo na, and don’t worry, he’s harmless. I can assure you that! O kung gagawa man ng masama, I’m going to be your state witness na siya ang kasama mo ngayong gawi na umuwi ka.” “Wow. State witness! Trayduran na pala ngayon ha! Itatapon mo ng basta-basta na lang friendship natin para kampihan siya!” kunwaring drama ni Rick sa babae. Hindi ko napigilang magiliw na lamang na mapangiti sa

