TUMANGO-TANGO si Rick habang naka-focus ang mga mata sa daan. “Rick, paano mong nalaman ang tungkol sa hobby ko at sa pangangailangan ko ng part-time job that time, eh hindi pa naman tayo magkaayos no’n at mas lalong hindi pa tayo magkaibigan no’n? Saka bakit, Rick? Bakit mo ako tinutulungan? Bakit napakabuti mo sa akin?” “Si Natasya.” “Si Miss Natasya?” Tinapunan saglit niya ako ng tingin saka tumango at muling binalik ang mga mata sa daan. “Right after you danced on the stag party of my best friend, I was all curious about you, Lena. That I asked Natasya about you. No’ng una siyempre, ayaw niyang magsabi sa akin ng kahit ano tungkol sayo kasi nga pinoprotektahan niya ang private information ng mga dumaang tao sa kanyang bar. Pero hindi ko siya tinigilan at kinulit-kulit ko kaya sa hu

