2- “Stripper.”

1089 Words
DEMANDING pa talaga ang loko! Sige, para mas makuntento siya, hinatawan ko pa nga nang hinatawan! "Ahh!" Napatili na lang ako bigla nang basta na lang ako nitong hinila sa kamay paupo sa kandungan nito. Kumalabog ang puso ko pero agaran akong tumayo para makabawi at magkunwari na lang na hindi nangyari ang nangyari. Para sa ten thousand, Lena. Habaan mo pa ang pasensya mo! Nagpatuloy ako sa pagsasayaw na parang walang nangyari pero nagulat ako nang hinila ulit niya ako paupo sa kandungan niya at suminghap pa sa balikat ko na para bang naaadik sa bango nu'n. "Whoooow! Rikardo the todo!" hiyaw-tukso ng mga kaibigan niya sa ginawa niya. Pinanatili ko pa rin ang ngiti sa labi ko kahit imbyernang-imbyerna na ako at nababastusan na ako! Tumayo ulit ako at nagpatuloy sa pagsasayaw, hindi na lang siya pinansin. Lumipat ako sa kabilang couch at itong mga kasama na lang niya ang sinayawan ko, at least, tinatawanan lang ako hindi ako binabastos at lalong hindi ako hinahawakan! "Hey! Come back here! Ako na lang ang single dito kaya ako ang sayawan mo!" sigaw pa niya sa akin. Ha! Ano daw? Single siya? Ha! Lasing na nga talaga siya! Lasing na lasing na nakalimutan pang ikakasal na siya! Hindi ko siya pinakinggan at pinansin, 'ni hindi ko na lang nilingon pa. Ayoko ng gulo, ayoko siyang patulan, ayokong masira ang gabing ito lalo pa't naumpisahan ko na para sa pera kaya titiisin ko't hindi na lang talaga siya papansinin! "Hey!" patuloy niya sa pagtawag. Neknek mo! Manigas ka diyan at hindi na kita babalikan! "Hey, you sexy!" Natigil ako nang hindi ko namalayang tumayo pa pala talaga siya para haklitin ako sa braso. Hinaklit niya ako't siniil ng halik tapos pinisil pa niya ang pang-upo ko. "Damn it! Whooow!" ang lakas ng hiyawan at tawanan ng mga kaibigan niya. Ang isa naman sa mga ito, ang nakaupo sa iisang couch kasama niya ay siyang tanging sumaway sa kanya. "Rick, you're drunk. Stop it," anito. Pero hindi siya nagpadale sa kaibigan at hindi iyon pinansin kaya sa sobrang galit at inis ko sa kanya, ako na mismo ang marahas na tumulak sa kanya kasabay ng malakas na paglipad ng palad ko sa pisngi niya. Nagulat pati na mga kaibigan niya dahil sa ginawa ko na nagpatahimik sa lahat. Ubos na ubos na ang pasensya ko! "Bastos ka!" galit na galit kong singhal sa mukha niya pagkatapos ng malutong na sampal na iginawad ko. Siya rin ay nabigla sa ginawa ko, napatagilid pa ang mukha niya dahil sa sampal ko. Hinawakan niya ang pisnging tinamaan ng kamay ko at maangas na ibinalik ang mga mata sa akin. Bahagya akong napaatras sa nag-aapoy sa galit niyang mga mata, nakaramdam ako ng kaba at pagbilis ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko'y tutunawin niya ako anumang oras ngayon! "Why do you complain now? Trabaho mo naman 'to, 'di ba? You're a stripper! You whore for money, and I can even give you any amount para lang maikama kita ngayong gabi!" Lalo pang nag-init ang dugo ko. Stripper? Ako, stripper? Yes, I whore for money pero ngayong gabi lang ito at kailangang-kailangan ko kaya nga ako pumayag na sumayaw sa stag party na 'to! But calling me a stripper? It’s a complete insult to me! Tumayo na rin ang dalawa pang mga kaibigan niya para awatin siya. "Rick, tama na 'yan." Hindi siya nagpatinag, pumuslit pa talaga siya ng malaking halaga ng pera sa kanyang pitaka. "Magkano ka ba, ha? Name your price and I'll buy you, stripper!" "Hindi ako stripper!" Sa sobrang galit ko’y nasampal ko siya sa pangalawang pagkakataon. "At mas lalong hindi ako nagpapabili para magpakama! Hindi ako ganoon ka-cheap! Ano bang tingin mo sa sarili mo, ha?! Na lahat mabibili mo ng pera mo porket marami ka nu’n! Ha! Siguro nga, kung naging totoong stripper man ako, magpapabili na ako sa iba pero hinding-hindi sayo! Asshole!" Lalo din siyang nag-apoy sa galit. "Anong sabi mo, ha?! Anong sabi mo?!" halos dumagundong pa sa buong kwarto ang boses niya. "You're a complete asshole! A perfect definition of what an asshole is!" Akmang susugurin niya ako pero nahawakan siya ng kasama niya sa braso para pigilan. "Asshole! Mayabang! Punong-puno sa sarili! Matapobre! Babaero! Ikakasal na nga pero balak pang mangkama ng ibang babae!" patuloy ko sa pananalak. "Miss, can you please stop now?! Kaya lumalaki na ang away eh!" naiirita nang saway ng mukhang pinaka-senior sa kanila. Natigilan naman siya at mukhang nagulat sa sinabi ko. "Ikakasal? Ako ikakasal? Ha! Hahaha!" Nagsimula siyang tumawa nang tumawa. Oh, anong nakakatawa? Natigilan din akong bigla... anong? Baka... Did I guess it wrong? No way! Don't tell me... "Ano bang kaguluhan ito?! Tama na 'yan! Both of you! Itigil ninyo na 'yan!" Dalo na rin ni Natasya para awatin kami. Natahimik ang lahat sa pagdating ng huli. "Ano 'to ha?! Anong gulo 'to?!" Parang masisiraan ng bait si Natasya. Napayuko ako. Everything's a mess now! "Walang kiss, ‘di ba po, Miss? Pero hinarass niya ako! Hinalikan niya ako!" sumbong ko. Disappointed, Natasya turned to him. "Sinabi ko nang no kiss 'diba, Rick? Bago pa mag-umpisa, klarong-klaro nang sinabi kong no kiss!" "What could I do? I liked her that's why I kissed her! She's a stripper, I can take her home, pay her on my own to pleasure me all night long and I can do everything to her! To her lips and to her damn sexy body!" Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o mafa-flatter sa sinabi niyang gusto raw niya ako at sexy ako... pero mas nangingibabaw talaga sa akin ang insulto eh! "See? You're a marrying man and yet you still want to bed another woman! Oh 'diba? Asshole ka nga!" paratang ko ulit. "What did you say?" Natasya turned to me again with a raised brow. "Who's a marrying man here? Who's the groom?" Nag-aalangan akong itinuro si Rick. The guy who harrassed me and I gave a one hard slap to. Tumawa ang loko ng napakalakas, yung tawa na parang mababaliw at maghihisterya. Why? What's wrong? Tama naman 'diba? "Girl, Rick's not a marrying man! He's not the groom I am talking about! John's the groom here!" nai-stress na sinabi ni Natasya sabay turo kay John, ang isa pang nakaputi sa gabing ito! Damn? "Akala ko..." Lumakas pang lalo ang tawa ni Rick na para bang sasakit na ang tiyan katatawa. "Wow! You, you, woman! I like you, huh! You made me laugh so hard tonight!" Ay l*ntek na!!! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD