3- "It’s you again!"

1126 Words
"SABI ko naman, ’di ba? Nakaputi na walang hikaw, nakaupo sa kanang couch!" sermonyas ni Natasya sa akin nang makapagsolo na kami at kinausap niya ako sa kabisera. Pagkatapos nung epic na nangyari, kinaladkad niya ako rito sa loob para makapag-usap kami at sinermunan sa kapalpakang nagawa ko ngayong gabi. Hindi ko naman siya masisi kung disappointed siya kasi alam kong kasalanan ko nga din naman talaga. Sinayawan ko ba naman ang akala kong groom sa stag party, sinampal ko pa kasi naman binastos ako at nagkabangayan pa kami nung lalaking 'yon kaya umabot ang lahat sa ganito! Kung hindi ba naman ako tatanga-tanga eh! Well, kung hindi rin naman bastos at manyakis yung lalaking ’yon hindi mo naman siya masasampal, hindi naman kayo mag-aaway, at hindi naman sana aabot pa sa ganito! So, don’t take all the blame, Lena! May kasalanan din ang lalaking iyon, malas mo nga lang dahil siya ay may pera at customer at ikaw ay nangangailangan ng pera at nagtatrabaho lang kaya sayo talaga mabubuntong ang lahat ng sisi at sermon! But don’t get me wrong, hindi ako galit kay Miss Natasya dahil pinagsasabihan niya ako ngayon. Sa taong ’yon lang talaga, sa bastos na lalaking ’yon! "Parehas po kasi silang nakaputi at nakaupo sa iisang couch," sabi ko. "Eh klaro namang sinabi ko, yung wala nga’ng hikaw ’diba?" Nabigla ako at parang napaisip. Sinabi niya ba ’yon kanina? Bakit hindi ko yata matandaan? Parang wala naman siyang sinabi ah! "Oh come on, don’t tell me nakalimutan mong sinabi ko ’yon? Hindi ka ba nakikinig ng mabuti kanina habang nag-i-instruksyon ako sayo?" Napayuko ako’t napakagat-labi. Nakikinig naman ako pero kasi... kasi masyadong nakuha nung lalaki ang atensyon ko kaya hindi ko na masyadong napagtunan ng pansin ang mga sinasabi ni Natasya tapos kahit dalawa silang nakaputi, yung totoong groom at yung Rick na ’yon, hindi na ako masyadong nakatutok doon sa totoo talaga kasi nga masyado nang nakuha nung Rick ang atensyon ko at inakalang ito talaga ang ikakasal. Hay, ano ba naman 'yan! "Baka naman kung anu-anong iniisip at tinitingnan mo kanina kaya hindi mo natandaan ang mga binigay kong instructions sayo!" Ngayon ay may bahid na ng malisya ang kanyang sinabi. "Ha?" Ngumiti na lang siya’t umiling. "Wala. Anyways, here’s your payment." Inabot niya sa akin ang isang sobre at tinanggap ko ito. "Saradong ten thousand ’yan.No more, no less. Kahit pumalpak ka sa gabing ito, hindi ko pa rin ’yan binawasan," aniya. Gusto kong magtatatalon bigla sa kabaitan ni Miss Natasya! "Maraming salamat po, Miss!" "Pasalamat ka’t naiintindihan kita at considerate ako sa mga katulad mo dahil kung hindi, malaki-laki ang kaltas niyan dahil sa hindi magandang nangyari." Tumango ako. "Salamat po talaga, Miss Natasya!" "Palalampasin ko sa ngayon ’tong nagawa mo kasi naiintindihan kong first time mo ’to at hindi mo naman talaga ’to gagawin kung hindi mo kailangang-kailangan ng pera. Pagnaka-graduate ka na at nagkaroon ng magandang trabaho sa susunod, hindi na pwede ang ganyan, ha Lena? Hindi pwedeng namamali ka ng akala!" payo pa niya. Sumang-ayon ako. "Opo. Tatandaan ko po ’yan, Miss." Marahan siyang ngumiti. "Syea. Sige na’t umuwi ka na, Lena. Alam kong may pasok ka pa bukas. Aral ng maigi ha?" Siguradong tumango ako. "Opo, Miss. Maraming salamat po talaga!" "Ingat ka!" "Salamat po ulit!" Diretso ako palabas ng bar matapos naming magkausap at maibigay niya ang perang kailangan ko. Ah no, actually, sobra-sobra pa sa kailangan ko. At least naman, hindi na ’ko mamomroblema ng pang-tuition ko pagdating ng second term kasi may sobra pa itong pera ko na maipantatabi ko para sa another set ng exams na darating. Hindi naman na pala masama na ginawa kong ’to ngayong gabi kasi kahit pumalpak ako, buo ko pa ring nakuha ang ten thousand plus ang bait pa ni Natasya! ’Yon nga lang, nanakaw ang unang halik ko ngayong gabi! That guy stole it and he was an asshole! He’s a perfect example of what an asshole is! Nagpupuyos ang kalooban ko habang naaalala ko pa rin ’yon. Ang pangarap ko pa namang first kiss ay first kiss sa taong mahal na mahal ko under the moonlight! Ngayon, wala na! Wala na talaga! Ninakaw na ng lalaking ’yon sa maling oras at sa maling lugar pa! Ang pangarap kong first kiss under the moonlight, naging savage kiss under the disco lights in a liberated bar while having his friends witnessed it and laughed at it so damn hard! Urgh! Hindi ko maiwasang mainis! Sa paglalakad ko at sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayan ang dinaraanan ko kaya nabunggo tuloy ako sa matigas na likod ng isang lalaki na halos ikinatumba ko sa sahig. "Aray!" napahawak ako sa noo kong nabangga. Grabe naman oh! Ang fragile ko na ba para matumba kaagad o sadyang malaki at makisig lang talaga ang katawan ng isang ito kaya isang bunggo lang at nalampa kaagad ako? Wala na bang katapusan ang kamalasan sa akin ngayong gabi?! Una, nabastos ako, pangalawa nanakawan ako ng halik, at ngayon namang papauwi na ako at nananahimik na, mabubunggo pa ako! Bakit, malas? Bakit ako pa! "Miss, are you okay? I’m sorry!" kaagad namang dalo ng lalaki sa akin. Inalalayan ako nitong makatayo. In fairness naman, gentleman! Inangat ko ang tingin ko sa kanya para sana magpasalamat pero halos umatras ako nang makita kung sino ito. "Ikaw!" gulat na naibulalas ko. Maging sa kanyang guwapong mukha ay dagli ring dumaan ang pagkagulat dahil sa hindi inaasahang makikita at makakasalubong ulit ako. Naman oh! Sa lahat ng tao, ba’t kailangang siya pa! Ba’t kailangang magkita pa ulit kami pagkatapos ng nangyari! Tiningnan niya ako at nakita kong dumaan din sa mukha niya ang daglit na gulat ngunit hindi niya pinairal ’yon, imbes ay ngumisi pa siya. "So, it’s you again!" he stated as if he is having fun meeting with me again! Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Lalo kasi siyang gumagwapo kapagka nakangisi kaya pakiramdam ko matutunaw ako kapag hindi ako umiwas ng tingin! "Nice seeing you again after you just slapped me two times awhile ago." Nang-aasar na nangsasarkastiko ang kanyang tono. Bahagyang napaatras ako’t napakagat-labi. Oo nga pala at nasampal ko siya, hindi lang isang beses kundi dalawa pa! Nakita niya ang ginawa ko kaya umabante siya para lumapit sa akin dahilan para mapaatras ulit ako. "Una, sinayawan mo ako nang hindi naman ako ang groom ng stag party ng kaibigan ko..." mahina ngunit mariin niyang sinabi na para bang nagbabantang may gagawing hindi maganda! Isang atras pa ulit at kagat-kagat ko na talaga ang labi ko dahil sa kaba. Oo nga naman, sinayawan ko siya gayong hindi naman pala siya itong ikakasal! Naging mas malalaki ang hakbang niya palapit sa akin kaya naghuhurumentado na ang puso ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD