CHAPTER 1 - PROVE THEM WRONG

2237 Words
Five years ago... Nakipagsiksikan kami ni Fiona sa mga estudyanteng gusto ring makapasok ng gym. Championship na kasi, at final game na ito ng basketball team ng school namin. Crucial ang laban na ito dahil lamang lang ang The Cardinals ng isang game, kaya do-or-die game na nila ito. Alam kong gigil ang team na maipanalo itong game na ito. Halos lahat kasi sa team ay ga-graduate na. Gusto nilang makapag-iwan ng legacy bago sila mawala sa St. Thomas College, lalo na ang team captain nila na si Ace Miguel Zuñiga. Actually, graduating na rin kaming dalawa ni Fiona, at huling panonood na rin namin ito ng laban ng mga ipinagmamalaki naming mga Cardinals. Hinanap namin kung nasaan ang basketball team. Ngunit ni wala pa kahit ni isang player nila sa court. Nasaan sila? "Oh, nasaan na 'yung Cardinals?" tanong rin ni Fiona. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang tanong na iyon, o para sa sarili niya. Dahil doon kaya nilingon ko si Fiona. Nakatingin na rin pala ito sa akin. "Tara. Puntahan natin sa player's quarter. Nakakapagtaka naman kasing ni isang player nila ay wala dito sa court, at ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang game " pag-aya niya sa akin. Marahan lang akong tumango. Hindi naman ako avid fan ng mga Cardinals, kahit na naggu-guwapuhan ang mga ito, at wala kang sukat itapon sa kanila. Pero itong si Fiona kasi ay pinsang buo niya ang isa sa mga Cardinals na si Myquel Saldivar. Nag-umpisa nang humakbang si Fiona, kaya sumunod na ako rito. Hanggang sa makarating kami sa quarters ng mga Cardinals. Napahinto kami sa bukana ng quarters nila. Naroroon silang lahat. Naka-upo sa mga bench at kanya-kanyang hawak ng cellphone. Ang ilan ay nakalagay sa mga tenga nila ang phone nila. Iyong iba naman ay pumipindot na tila nagte-text. Samantalang iyong iba ay parang nagi-scroll lang. Nagkatinginan kami ni Fiona. Ano'ng nangyayaari sa kanila? Hindi na magkamayaw ang mga manonood sa labas, at panay ang sigaw sa pangalan ng team nila. "Excuse me, ladies." Awtomatikong napaatras kami ni Fiona sa boses nung nagsalita. Nakita namin mula sa likuran namin ang hindi maipintang mukha ni Coach Kenneth. Ni hindi man lang kami tinapunan nito ng tingin, at sa halip ay dere-derechong pumasok sa loob ng quarters. "Ano na, guys? Nakontak n'yo na ba si Zuñiga?" may halong iritasyon ang boses na tanong ni Coach. Muli kaming nagkatinginan ni Fiona. Nag-usap ang aming mga mata. Wala pa ang team captain na si Ace Zuñiga dito sa venue? At hindi nila makontak? "Fiona!" Kapwa kami napalingon sa tumawag. Si Myquel, ang pinsan ni Fiona. "Myq, ano'ng nangyayari? Bakit nandito kayong lahat? Mag-uumpisa na ang game," tanong dito ni Fiona habang patakbong naglalakad si Myquel papunta sa amin. "Wala pa si cap. Hindi rin namin siya makontak kanina pa. Gusto ko siyang puntahan sa condo niya, pero ayaw akong paalisin ni Coach dito. Second in command ako, kapag wala si cap. Pero sweetheart, final game ito. Kailangan ko ang expertise at confidence ni cap sa game na 'to," paliwanag ni Myquel. "Okay. Got it. Kapag tinawag mo akong 'sweetheart', may gusto kang ipagawa sa akin. Ano 'yon?" walang gatol na tanong ni Fiona kay Myquel. Lumapad ang ngiti ni Myquel, dahilan para lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. Actually, matagal na akong nirereto ni Fiona dito sa pinsan niya. At obvious naman sa amin ni Myquel 'yun. But it seems, wala kaming jive nitong si Myquel at talagang hindi namin type ang isa't isa. "Pakipuntahan mo naman si Ace sa condo niya. Alam kong nagkita at nag-usap sila ni Nhoelle kagabi. Kung ano man ang nangyari sa pagkikita at pag-uusap nila, I have no idea. Hindi pa kami nagka-usap ni cap mula kagabi. Or, kung sino man sa team. Please. By hook or by crook, pakidala dito si cap," sagot ni Myquel kay Fiona, sabay lagay ng susi ng sasakyan sa kamay ni Fiona. "Okay! You owe me one," sagot naman dito ni Fiona, na may kasama pang pagkindat. "Wait. Ano'ng address ng condo building ni Ace?" pahabol sa kanya ni Fiona. Bumuka ang bibig ni Myquel, pero inunahan ko na ito. "Alam ko 'yun. Tara na." Binalingan ako ni Fiona, na tila gulat na gulat sa sinabi ko. Habang nginitian naman ako ni Myquel. "Thanks, Arianne," sabi nito sa akin na sinagot ko lang ng tango. MABUTI na lang at maluwag ang kalsada, mabilis kaming nakarating sa condo ni Ace. "Friendship, hanggang ngayon gulat na gulat pa rin ako na alam mo itong condo building ni Ace." Akala ko ay hindi na uungkatin ni Fion ang tungkol doon, pero nasa isip pa rin pala niya. "Na-Nakita ko lang siya minsan diyan. Nung... may binisita kami ni Mommy na isang friend niya," sagot ko, at saka ako tumingin sa labas ng bintana. Ayokong mapansin ni Fiona ang tinahi kong kuwento. Sana lang ay busy ito sa pagmamaneho nitong sasakyan ni Myquel. Pagka-park niya sa sinabing number ng parking ni Myquel ay agad kaming lumabas ng sasakyan. At nandoon naman ang sasakyan ni Ace sa tabi ng pinagparadahan namin ng sasakyan. Fifty percent na nandito nga si Ace sa unit niya. Nagmamadaling naglakad na kami papunta sa gawi ng elevator, at saka ipinakita sa guard doon iyong Visitor's Pass na iniabot din sa amin ni Myquel. Tahimik lang kami ni Fiona sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Fiona. Pero ako, samut-sari ang laman ng isip ko. Hindi ko rin mapigilang hindi makaramdam ng guilt. Lalo na at palapit na kami nang palapit sa floor ng unit ni Ace. Ding! Pasimple akong nagbuga ng hangin, bago ako lumabas ng elevator. This time, nasa likuran lang ako ni Fiona, at nagkukunwaring hindi ko alam ang lugar kung nasaan ang unit ni Ace. "Eto, 141," narinig kong sambit ni Fiona. Nakita kong pumindot si Fiona sa doorbell sa gilid ng pinto ng unit ni Ace. Tahimik lang sa loob ng naturang unit, pero ang kalabog ng puso ko ay nakakabingi sa sobrang lakas. Nakita kong inulit ni Fiona ang pagpindot sa doorbell, at saka naalarmang tiningnan ang oras sa relo sa braso niya. Muli, pasimple akong bumuga ng hangin. Naghintay ng ilang sandali si Fiona, bago muling pinindot ang button ng door bell. Nakatitig lang ito sa door knob ng pinto, tila naghihintay na pumihit iyon at bumukas. Pero, ilang sandali rin ang pinaghintay namin, at hindi naman bumukas ang pintuan. Lalong nadagdagan ang nararamdaman kong pag-aalala kay Ace Zuñiga. Hindi ko naman siya close para mag-alala ako nang ganito, pero kinakain kasi ako ng konsiyensiya ko. Nilingon ako ni Fiona. Alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Ang bilin sa amin ni Myquel, gagawin lang namin ito kapag naka-ilang attempt na kami, at hindi pa rin magbukas ng pintuan si Ace. Marahan akong tumango kay Fiona, pagsang-ayon na gawin na niya ang utos ni Myquel. Muling umangat ang kamay ni Fiona. This time, papunta na sa keypad na nakalagay sa mismong pintuan ng unit ni Ace. Ibinigay kasi sa amin ni Myquel ang passcode dito, at gagawin lang daw namin ito kung talagang hindi kami pagbubuksan ng pintuan ni Ace. Dahan-dahang itinipa ni Fiona ang apat na numero sa keypad. Hindi ko lang ngayon nakitang pinindot ang apat na numerong iyon. Ang apat na numerong pamiyar na pamilyar sa akin. 0421 Nang mai-encode na ni Fiona ang apat na numerong iyon, ay tumunog ang automated recorder. Dahan-dahang pinihit ni Fiona ang door knob, at nabuksan na namin ang unit ni Ace. Dumungaw muna si Fiona sa loob. Napansin ko mula dito sa kinatatayuan ko na madilim sa loob ng unit. "Ace?" pagtawag ni Fiona sa lalaking hinahanap namin. Nilingon ako ni Fiona, bago malapad na binuksan ang pintuan at saka humakbang papasok sa loob. Hindi nakaligtas sa akin ang mabahong amoy ng alak. Agad akong napasimangot sa naamoy ko, at saka pinigilan ang paghinga. I hate liquor! Hindi na sana ako susunod kay Fiona sa loob, pero muli ako nitong nilingon at saka kinawayan na sundan ko siya. No choice naman ako, ayaw ko rin namang pabayaan na mag-isang pumasok doon si Fiona, kaya sumunod na lang din ako. "Ace?" Muling pagtawag ni Fiona sa pangalan ni Ace. Huminto muna kasi kami pagkapasok sa pintuan. Nakikiramdam muna kami sa presensiya ni Ace dito sa loob ng unit niya. May kadiliman din kasi dito sa loob. Nakakapagtakang wala man lang ni isang ilaw na nakabukas. "Tara, hanapin na natin si Ace," narinig kong mahinang sabi ni Fiona sa tabi ko. "Sino kayo?!" Sabay kaming napapitlag ni Fiona nang out of nowhere ay may narinig kaming nagsalita. Si Ace ba 'yun? Muli na naman kaming napapitlag ni Fiona nang biglang bumukas ang ilaw sa kinaroroonan namin. Napahawak tuloy kami sa kamay ng isa't-isa. Nang magliwanag ay nakita namin si Ace na nakahiga sa malapad niyang sofa dito sa sala ng unit niya. May hawak itong tila remote control na kulay puti. Marahil ay kontrol iyon ng pagbukas at pagpatay ng mga ilaw. "Ace!" Hindi ko alam kung nagulat ba o natuwa ang tono ng boses ni Fiona nang makita si Ace. Dahil sa pagbubukas ng ilaw, nagkaroon ako ng pagkakataon na mabistahan ang mukha ni Ace. Hubad baro ito, pero hindi iyon ang nakatawag ng aking pansin. Kung hindi ang mukha nito na tila walang tulog. Nanlalalim ang mga mata nito, at namamaga, na mukhang galing sa magdamagang pag-iyak. Gulo-gulo rin ang buhok nito na tila sinabutan niya nang ilang beses ang sarili niya. Makakapaglaro ba siya sa itsura niya na iyon? "Sino'ng nagpapunta sa inyo dito?" Mas naka-pokus ang tingin niya sa akin, kaysa kay Fiona na nasa harapan ko. Agad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Ace sa akin. "Ah, Ace... pinapunta kami dito ni Myquel. Final game n'yo ngayon, di ba? Kailangan ka nila doon." Si Fiona ang sumagot sa kanya. Kung para sa akin ang tanong niya kanina, ay hindi ko rin naman alam kung paano ssasagutin. Nag-angat ako ng mukha para pasimple ko sana siyang tingnan, pero nahuli ko itong nakatingin sa akin. Muli akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Isn't it obvious? I don't want to attend the game." Sabay pa kaming napasinghap ni Fiona, at saka awtomatikong nagkatinginan. Ano'ng nangyari sa Ace Zuñiga na kilala naming dedicated sa team? Si Fiona ang agad na nakabawi. "Ace--" sabi nito, sabay hakbang papunta sa kinauupuan ni Ace. "Stop," pagkontra agad sa kaniya ni Ace, sabay taas ng isang kamay nito, na ang palad ay nakapaharap sa direksiyon ni Fiona, bilang pagpapatigil niya sa pag-abante ni Fiona sa kanya. "Don't try to convince me. Hindi na magbabago ang isip ko. Just go back there. Wala ako sa mood maglaro," sabi nito, sabay bawi sa nakataas niyang kamay, at saka inihilamos ito sa kanyang mukha. May sasabihin sana si Fiona sa kanya, nang biglang mag-ring ang phone niyang hawak. Napatingin sa akin si Fiona. "Si Myq," mahina niyang sambit. Tumango ako kay Fiona, bilang hudyat na sagutin niya muna ang tawag ni Myquel. Marahil ay nag-aalala na ito sa amin at sa lakad naming ito. "Sasagutin ko muna ito," anunsiyo ni Fiona, at saka ito tumalikod na para lumabas ng pinto. Humugot ako nang malalim na hininga. "Ace..." panimula ko. Tiningnan ako ni Ace, na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya, pero napagpasyahan kong ituloy pa rin ang sasabihin ko sa kanya. "Hindi pwedeng basta ka na lang mang-iiwan sa ere ng mga taong umaasa sa iyo." Pinaningkitan ako ng mga mata ni Ace. "Sa akin mo talaga sinasabi 'yan?" Napakagat-labi ako. "I know... pero--" "Still, hindi pa rin ako maglalaro. Period." Mukhang desidido ang mukha niya na tuparin ang sinabi niya. "Ace, hindi mo dapat sirain ang sarili mo sa kung ano'ng nangyari. Life must go on. Marami pang ibang taong umaasa sa 'yo. Katulad ng mga ka-team mo, ang Cardinals," paliwanag ko sa kanya. "At paano naman ako? Umaasa rin ako, ah. Nakadepende. Pero ano'ng nangyari? Iniwan na lang nang basta-basta," matiim ang tingin na sabi nito sa akin. Napapikit ako. Hindi ko matagalan ang tingin ni Ace. And my conscience is eating me up. Bakit ba kasi ang tagal ni Fiona sagutin ang tawag ni Myquel? Nagdilat ako ng mga mata. "Ace, hindi lang ikaw ang nawalan. At hindi lang ikaw ang iniiwan sa mundong ito. Pero sila, mas ginusto nilang ipagpatuloy ang kung ano'ng buhay ang meron sila. At kung may iniiwan, paniguradong may dahilan. Then like the others, prove them wrong, na mali ang ginawang pang-iiwan sa 'yo." Nakita kong kumurap-kurap ang mga mata ni Ace. "Maraming taong umaasa sa 'yo, Ace. Unang-una na ang team mo, they can not play the same without you." Ilang sandali ring nakatingin lang sa akin si Ace. Pagkatapos ay nagbawi na ito ng tingin. "I'll just get a brief shower." Iyon lang, at tumayo na ito at saka naglakad papunta sa direksiyon ng kuwarto niya. Sinundan ko ito ng tingin. Nang mawala na ito sa paningin ko ay hindi ko naiwasang mapabuga ng hangin. "Friendship, kung ayaw daw-- Nasaan na si Ace?" nagtatakang tanong ni Fiona, nang makita niyang wala na sa kinauupuan niya si Ace. "Naliligo na. Pupunta na siya sa game," sabi ko sa kanya. "Hay, salamat naman," sabi ni Fiona, na nakahawak pa ang isang kamay sa dibdib niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD