Marahang inuuga ni Mathew ang katawan ko upang gisingin ako. "My Wife, wake up." Sa halip na bumangon ako hinila ko ang kumot at binalot ko iyon sa katawan ko at muling natulog. Inaantok pa ako dahil alas-diyes ng gabi na kami natulog dalawa ni Mathew para sa'kin late na 'yon dahil madalas akong alas-otso pa lang ng gabi tulog na ako pero simula na magkaroon ako ng asawa maaga na ang ala-diyes ng gabi ang tulog sa'kin. Bumuntong-hininga siya. "My Wife, gumising ka na kailangam nating mag-jogging," sabi niya. "Ikaw na lang mag-jogging masama ang pakiramdam ko, masakit ang ulo ko, nahihilo at para akong lalagnatin," alibi ko. Ayoko kasing mag-jogging mas masarap matulog kaysa mag-jogging. "Hays! You're hard headed," naramdaman kong tumayo si Mathew ang akala ko lalabas na siya sa kuw