"Why don't you tell Mathew about Dexter Lewis Go? He will understand you for sure, " Dina said. Nakahiga siya sa kama at hinahaplos ang kanyang malaking tiyan. Ilang buwan na lang ay manganganak na si Dina. Hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa dahil ang boyfriend ni Dina ay kasal at matagal ang proseso bago ma-isawalang bisa ang kasal nila. Bumuntong-hininga upang mabawasan ang bigat ng dibdib ko, ayoko sanang alalahanin ang ang tungkol sa nakaraan ko ngunit muli namang sumariwa ang nakaraan sa'kin... Balisa ako nang habang nakatingin kay Daddy sa loob ng hospital nagkaroon kasi ito ng minor stroke dahil sa init at mga iniisip nito, madalas kasi siyang umiinom ng alak. Dalawang taon pa lang mula ng mamatay si Mommy. Nagpakalulong sa alak at sugal si Daddy dahil hindi niya matanggap ang