Crossroads AiTenshi Part 19 Matapos ang insidenteng pag patay ng iba sa aking target ay hindi na namin ito pinag usapan pa ni Ram. Parang hinayaan nalang namin na tuluyan itong mag lahong parang bula. Kasabay nito ay pilit kong pinaramdam kay Ram na bale wala sa akin ang nagaganap na halikan sa pagitan naming dalawa. Para lang kami ng lalaro, o pag papakita ng malalim na pag papahalaga sa isa isa. Dati rin kami, biruan, tawanan habang nasa daan at abala sa pag ddrive pauwi sa aming bahay. Ang nakakatuwang parte ay nakikita ko rin sa mata ni Ram ang excitement na maka uwi para makita sina mama at Gillian. Ilang minuto pa, narating namin ang bahay nila mama, tulad ng dati sumalubong nanaman ni Gillian sa amin at tuwang tuwang naman ito habang buhat ni Ram. "Namiss ba ko ng baby bro ko?"