Crossroads AiTenshi Part 18 Lumipas ang ordinaryong araw sa aking buhay. Tila wala namang nag babago, maayos ko pa ring nagagampanan ang trabaho ko sa sigma at syempre ang pag aaral. At tungkol naman kay Ram, ganoon pa rin ang turingan namin sa isat isa, barkada at kasama sa kalokohan. Bagamat may pag kakataon na sweet kami at nag papalitan ng halik, pero siguro ay hanggang doon lang iyon. Wala namang term na "kissingbuddy" diba? Kapag nag iisa ako ay para bang lalo akong naguguluhan, hindi ko maunawaan ang dapat kong maramdaman sa tuwing maiisip ko ang estado ng samahan naming dalawa. Tuloy pa rin ang mga ordinaryong araw, kaso may mga pag kakataon din talaga na hindi ako nakakapasok ng eskwela dahil sa mga charity events at iba pang misyong personal na may kinalaman sa mga assignment