Crossroads AiTenshi Part 16 Binalot ng isang matinding pag kalito ang aking isipan. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa bathtub habang nakatitig lang sa kisame at pilit binabalikan ang eksenang pag hahalikan namin ni Ram. Ang mapusok na halik na iyon ay paulit ulit na paulit ulit na nag babalik sa aking isipan na parang isang sumpa. Isang kakaibang sumpa na ang dulot ay kakaibang saya sa aking pag katao. Hindi ko maunawaan ang aking sarili, parang hinahanap hanap ko ang pakiramdam na mag kasugpong ang aming mga nguso. Ang malambot niyang labi na masarap kagat kagatin, ang kanyang mabangong hininga at manamis namis na laway ay parang nalalasahan ko pa rin at tila ayaw mawaglit pa. FLASH BACK "Sorry kung hinalikan kita." ang wika sa akin. "Ako ang humalik sa iyo." ang wika ko n