Crossroads AiTenshi Part 15 "Mukhang masyadong naging close sina Ram at Gillian, ayun ayaw na paalisin ang kuya Ram niya sa tabi niya." ang masayang wika ni mama habang nag hahanda ng espesyal na tanghalian. "Ma, dapat nga ay uuwi na Ram ngayon, umiiyak si Gillian kaya nag pasya ito na bukas nalang umuwi." ang wika ko habang pinag mamasdan ang dalawa na nag kukulitan sa sala habang nag lalaro ng video games. Ako naman ay abala sa pag tulong kay mama sa kusina. "Wala bang kapatid si Ram?" tanong ni mama. "Wala ma, sa pag kaka alam ko ay solong anak lamang ito." sagot ko naman. "Nirerecruit mo ba siya sa sigma? O baka naman member na siya ng iba pang org?" tanong niya. "Hindi ma, si Ram ay nag aaral lang ng mabuti sa campus. Hindi siya miyebro ng kahit na anong samahan. Magandang asset