PART 23

1269 Words

"Saglit," ani Rashee kay Jaime. Saka inayos niya ang sintas ng kanyang rubber shoes. Nakalas kasi iyon, magiging sagabal. Nang may nahagip na itim van ang kanyang mga mata na napakabilis ang takbo. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng hindi tama habang nakasunod ang tingin niya sa papalayong van. Tapos ay kunot ang noo niyang lumingon sa pinanggalingan nila. Hindi na niya tanaw ang apartment nila pero nadaku roon ang isip niya. Naningkit ang kanyang mga mata at mas kinabahan siya ng matindi. "Tara na," untag sa kanya ni Jaime. "Baka abutan tayo ng sikat ng araw." Tumayo na siya. At may alinlangan man o may kagustuhan nmbumalik sa apartment ay mas pinili niyang sumunod kay Jaime. Wala naman sigurong masamang ibig sabihin ang kabang biglang kumabog sa dibdib niya at ang hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD