"Paano kayo nagkakilala ni Rashee?" narinig na tanong ni Isel sa kanya ni Jaime. Nawala siya sa malalim na pag-iisip niya. Iniisip niya kasi kung ano na ang nangyari kay Rashee? Napatingin siya sa binata. Nasa kandungan nito si Nicole na nakatulog na. Nagpasya si Jaime na hintayin si Rashee bago ito umalis kaya pinatulog na muna nito si Nicole. Ano'ng oras na kasi kaya inantok na ang bata. Pero wala pa rin si Rashee. "Mahabang kwento. Pero nakita ko kasi ang mukha niya kaya 'yon ginawa niya akong alalay niya," sagot niya. Ilang pa rin siya rito kahit na mabait naman. Napangisi si Jaime. "Ibang klase talaga 'yon." "Kasalanan ko naman. Sana hindi ko na lang nakita ang mukha niya." "Hindi, ah! Kasalanan niya dahil hindi siya nag-iingat!" napalatak na pagtatama ni Jaime tapos ay kumilos