PASADO alas onse na ng gabi, pero pareho pa rin gising ang dating mag-asawa habang nakahiga sa magkahiwalay na kama. Nasa loob pa rin sila ng ICU room para pareho na magbantay at samahan ang kanilang comatose na anak, dahil baka magising ito bigla ano mang oras, at bilang mapagmahal na magulang ay ayaw nilang iasa na lang sa katulong ang pagbabantay. “Natutulala ka? Bakit, iniisip mo ang asawa mo na baka hindi kayang alagaan ang anak niyo?” puna na ni Ralph nang makita ang dating asawa na nakatulala lang sa kisame habang nakahiga, tila ba may kung ano’ng malalim na iniisip. “Ano ka ba, hindi ’yon,” pag-irap naman ni Jelly. “Iniisip ko lang kasi ’yong mga sinabi kanina ng babaeng ’yon. Masama ang kutob ko, para bang alam niya ang pangyayari.” Nangunot na ang noo ni Ralph. “What do you me