PASADO alas onse na ng gabi. Mula sa loob ng hospital room ay iyak pa rin nang iyak si Jelly dahil sa nangyari sa anak na si Callum na ngayon ay comatose na. “Ralph, hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak natin,” humihikbi pa rin wika ni Jelly habang nakasubsob sa dibdib ng dating asawa. “Let's just pray that he will be alright and recover sooner. Hindi ko rin kakayanin na mawala ang aking nag-iisang anak,” pagpapatahan naman ni Ralph habang marahan na haplos-haplos ang likod ng ex-wife na ngayon niya lang nagawang yakapin matapos ang paghihiwalay nila years ago. Mula naman sa labas ay tahimik lang si Kristen, naluluha na rin habang pinapanood ang mga magulang ng kasintahan sa loob ng ICU room. Nang mapatingin si Kristen sa kaniyang sarili ay saka lang niya napansin na punong-puno na