NASA loob ng kaniyang opisina si Cadmus nang bigla na lang tumawag ang kaniyang lawyer at pinaalam sa kaniya na pansamantalang nakalaya si Cedric dahil nakapagpiyansa ito. Parang kumulo ang dugo niya sa balitang natanggap. Kaya naman agad siyang nadagdag ng security para kay Kristen at magbantay rito ng palihim para hindi makalapit si Cedric kung sakaling balak man nitong puntahan sa ospital. Anim ang pinadala niyang tauhan sa ospital, dalawa sa mansyon, at sa kaniyang mga anak naman ay matagal na siyang may kinuha na dalawang nagbabantay nang palihim sa mga ito habang nasa school, para maging safe kung sakaling may panganib man nakaabang. “Good afternoon, sir!” the secretary greeted respectfully as she entered his office, placing the cup of coffee on his desk. “Here is your coffee, sir.