HINDI mapakali si Cedric sa labas ng hospital room dahil sa labis na nerbiyos. Masaya siya sa nalaman na buntis pala ang asawa niya, pero mas nangibabaw ang takot niya ngayon dahil sa nangyari. “Please. Please. Save my child, Lord. Parang awa mo na, iligtas mo ang anak namin,” he repeatedly muttered as he anxiously paced back and forth outside the room. Si Cadmus naman ay nakatingin lang ito sa kaniya nang nakasimangot, halos hindi na maipinta ang mukha dahil halata ang pagkairita habang nakasandal lang sa pader at nakahalukipkip, suot pa nito ang pink terno na pantulog na kapareho ng sa mga anak. After a tense wait, the door finally opened, and the female doctor emerged. “Doc.” Mabilis na lumapit si Cedric. “Kumusta ang asawa ko? Ang anak namin, ayos lang ba?” agad niyang tanong sa do