HINDI mapakali si Kristen habang hinihintay ang pagbalik ng kaniyang tiyuhin na siyang inutusan niyang lumabas para humarap sa lalaking nag-doorbell. Ang sabi ng mayordorma ay siya raw ang hinahanap. Inakala niyang si Cedric, kaya hindi siya humarap, bagkus ay pinilit niyang lumabas ang kaniyang Tito Riley na kasalukuyang naliligo, pero dahil kinalampag niya ang pinto ng bathroom nito ay napilitan na lang itong tapusin agad ang pagligo at napilitang sumunod sa kaniyang utos. Ang kaniyang dalawang anak ay tulog na rin dahil pasado alas dyes na. Naligo siya saglit sa bathroom, at nang matapos ay saka siya bumaba suot na ang kaniyang pagtulog. Pagbaba niya sa living area ay naroon na ang kaniyang Tito Riley na nakaupo sa couch habang may kung ano’ng ginagawa na sa laptop na nakapatong sa c