DAHIL sa nangyaring pagtatalo nila ni Callum ay dalawang gabi silang walang imikan na parang hindi magkakilala. Hindi nag-sorry sa kaniya si Callum sa pagtaas ng boses nito. Pero pagdating sa ikatlong gabi, nakahiga na silang dalawa sa kama ay hindi na siya nito natiis pa at nilambing na siya. “Mahal ko, galit ka pa rin ba sa akin?” tanong nito at yumapos na sa kaniya baywang mula sa likuran. Hindi siya umimik at nanatili lang nakatalikod ng higa na parang walang narinig, dahil masama pa rin ang loob niya, hindi dahil sa pagtaas ng boses nito sa kaniya, kundi ang pagkulong nito sa kaniya kasama ng kaniyang anak na si Xanth. “I'm sorry, my love, forgive me if I raised my voice.” he apologized, remorse evident in his voice. “Nadala lang ako ng galit dahil palagi mo na lang inaalala ang la