“SINA Jamin at Tiffany, hindi na ako magtataka kung biglaan silang magpakasal after graduation.”
“Ang suwerte talaga ni Tiffany, ‘no? Imagine, she hooked the most competent man in the university.”
“Idagdag pang bukod sa may kaya, kahit mukha’t katawan na lang niya ang sa akin, yes na yes akong manatili sa tabi niya.”
Mga bulungang naririnig ni Rose Ann sa mesang nasa likuran niya. May tatlong estudyanteng babaeng naka-upo’t mahinang nagkukuwentuhan. Akala pa naman niya ay matatahimik ang pandinig niya kapag narito siya sa library pero…napa-iling na lang siya at nagkunwang walang naririnig.
“But seriously, Jamin is lucky for having Tiffany for a girlfriend. Siya kaya ang campus queen, at kandidata pa para sa nalalapit na Bb. Pilipinas.”
“Sabagay, pareho lang silang masuwerte.”
“Hay naku, sila na ang biniyayaan ng magandang pamilya’t mga mukha. Mainggit na lang tayo.”
Nagtawanan ang mga ito na gumawa ng ingay kaya naman pinagalitan sila ng librarian na naka-duty.
Nagsisikuhang tumayo’t nilisan ng mga ito ang library. Nawalan naman na ng gana si Rose Ann na magpatuloy pa sa binabasa. Hinugot niya mula sa bag ang brown leather journal book. Binuklat. May nakaipit na ID photo sa pinakagitna niyon. Kinuha niya’t tinitigan.
Nagpakawala siya ng hininga. Pinadulas ang hintuturo sa labi ng lalaking nasa larawan. Hindi nakangiti ang mga labi ng lalaki pero nakabakas sa mga mata ang kasiyahan. Napangiti siya. Natawa sa sarili nang maalala kung paano niyang ipinuslit ang picture mula sa Student Body Council room kung saan ay officer ito.
“Jamin…” she whispered, “may pagkakataon kayang mapansin mo ako?”
“EXCUSE me, Miss?” May kumatok sa mesang gamit niya.
Dahil nagulat, napatayo siya. Mas lalo pa siyang nagulat nang masino ang gumulat sa kanya. “Jamin!”
“SHHHHH!” Iritadong saway ng librarian.
Napau-upo siya at natakpan ang bibig. Narinig niyang humingi ng paumanhin si Jamin, pagkuwa’y naupo rin sa silyang nasa harapan niya. Nasa mga labi pa rin nito ang matipid na ngiti nang lingunin siya.
“Sorry, I startled you.”
Kinakalma niya ang damdaming sumasabog sa pagkabog. Paulit-ulit siyang lumunok, binasa ng laway ang natuyong lalamunan. Hindi niya mahanap ang dila para magsalita.
“Caught your tongue?” he teased.
Nanginginig ang mga kamay kaya naman pinagsalikop niya iyon at ipinatong sa kandungan. Hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang lalaking lihim na hinahangaan.
Sinundan niya ng paningin ang mga mata nitong dumako sa gilid ng mesa. Naitaas nito ang kilay, bago itinago ang ngising sumilay sa mga labi.
Oh dear god! She panicked. Mabilis niyang dinampot ang litrato nito para itago pero naunahan siya nito.
“Is this…yours?” Wagayway nito sa litrato.
Hindi siya umimik. Kinagat ang labi.
Pinakawalan nito ang mahinang tawa. Medyo lumapit ang mukha sa kanya para bumulong. “I get it. You’re not the first. But sorry, I’m happily taken.” Saka inilapag ang litrato sa kanyang libro.
She knew that. She knew it, but…how come the pain was striking worst than what she had imagined?
“Anyway, I came over to ask if you’re done with that book?” Sabay turo sa librong binabasa niya kanina.
Hindi pa, at alam din niyang nag-iisa na lang ang librong iyon sa library na siyang reference para sa business report na project paper nila. “Y-yes. Here you go. “ Pero abot niya sa libro.”
“Great. Thanks.” Kindat pa nito.
Kung sa ibang pagkakataon ay baka kinilig siya. Pero matapos niyang marinig ang sinabi nito kanina, mas nanaig ang kirot sa kanyang dibdib. Mas lumalim pa iyon nang maupo ito sa isang mesa na siyang kinaroroonan ni Tiffany.
She quickly gazed away. She picked up her books and bag and headed out of the library.
“JAMIN dude, you only get one chance to choose, so do it now before your luck runs out.” Tukso ng kakalase’t kaibigan nito sa huling taon ng kolehiyo.
“Pass muna, p’wede ba, Lex? I told you I already have a date on the ball. I have my girlfriend.”
Nasa balkonahe sila ng business administration department building, abot-tanaw ang exit door, pinanonood ang mga lumalabas. He lost in a game with his friend and so he had to take his challenge to get another date for their department’s ball this valentine’s day aside from Tiffany.
“Where’s thy honor? A man honor his words.” Pag-arte nito.
Natawa siya. Napakamot ng batok. Kung pera na lang sana ang pustahan kaso hindi. Buti na lang at hindi selosa si Tiffany.
“Somebody’s walking out!” agaw nito sa kanyang atensiyon.
The side of the exit to their building was light tinted mirrored-wall. Kaya naman naaaninag nila ang mga lumalabas roon pero hindi namumukhaan. The female student walking out was wearing eyeglasses. She has long telephone-curled hair.
“Mahangin sa loob, p’re.” Patudyong siko ng kaibigan sa kanya.
Ngumisi lang siyang pabalik.
Matangkad ang babae. Napansin niya agad ang suot nitong uniform, kapareho nila ng kurso ang babae.
“’Sakto, hayan…ka-department pa natin. She’s your date.” Turo ni Lex.
“Wait! Already? Hindi ba p’wedeng makita ang mukha muna?”
Tumawa si Lex. “Akala ko ba napipilitan ka lang, at ayaw mo dahil may maganda ka ng girlfriend, e bakit may kaso pa kung maganda man o hindi ang magiging ka-partner mo sa ball?”
“Well…though I do really love Tiffany, it wouldn’t hurt to have a beautiful lady beside me at the ball.” He teasingly smiled.
Lex waved his fingers at him. “You sly dog. I’ll tell on Tiff.”
“Shut it.”
“Hayun o! Lumingon p’re!” Nguso ni Lex. Pagkuwa’y humagalpak ng. “Well, at least she’s tall and…slender.”
Pinagmasdan niya ang babae. Katulad ng sinabi ni Lex, bukod sa tangkad at pagiging slender, wala na siyang makitang ibang good features sa appearance nito. Malalaki ang bilog na frames ng salamin nito sa mga mata. Hinayaan ding nakalugay ang makapal at kulot na kulot na buhok. Maayos naman ang suot na uniporme nito pero…sadyang walang dating ang babae.
“Good luck. Congratulations na rin.” Tapik ni Lex sa balikat niya.
Napa-iling na lang siya. “Just for the ball.”
“Surely, for the ball.”
IT’S late at night but he and Tiffany were still in his car, parked at the top of the hill of the Laguna lake View. He planned to do this on Valentines Day but because the ball was going to be held on the same night, he decided to do it tonight.
“Come on, Jamin…it’s getting late. Akala ko ba may importante kang sasabihin sa akin?”
“I know this is too early. And I know that you have planned everything after graduation. But babe, please let me be part of your plans? Can I be part of your life?” Madamdamin niyang pahayag.
Tiffany’s face became botox-liked. Her reaction was suspended in the air. As if trying to digest what she just heard. “J-Jamin…what are you doing?”
Inilabas niya ang isang maliit at bilugang kulay pulang box, binuksan at ipinakita sa kasintahan ang singsing na laman niyon.
She gasped. Even covered her mouth with her hands. “A-are you serious?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong.
“I love you, Tiff. I love you and I’m asking you to marry me. It doesn’t have to be this year or next year, at least not in the next three years. Please say yes and make me the happiest man alive.”
Doon lang ito nakabawi sa pagkagulat. Pagkuwa’y lumunok. Umayos sa pagkaka-upo. Tumikhim. Nagpakawala ng buntung-hininga pagkatapos. “Jamin, ahm…”
“Yes?” Nag-alinlangan na siya. This was not the reaction he was expecting.
“Jamin kasi…ano…ginulat mo ako. Katulad ng sinabi mo, wala sa plano ko ang pagpapakasal, lalo’t sa susunod na limang taon.”
“Wala? O wala pa?” Disappointed na isinara niya ang box.
“Wala pa. Hindi ko alam. Basta, hindi pa ako handa.”
“I can wait. Until you’re ready.”
“Pero Jamin, baka maghintay ka ng matagal.”
“Mahal kita. Makapaghihintay ako kahit kailan.”
“Please don’t say that. You’re putting pressure on me.”
Natigilan siya. “Pressure? You find it annoying that I would wait for you?”
“Yes! No! I mean…that’s not what I meant. Don’t twist my words, Jamin please!”
Hindi na muna siya nagsalita. Ipinasok niya sa glove box ang box. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at doon inilabas ang sama ng loob. Malalim na ang gabi. Maraming bituin sa langit. Kumikinang. Masarap din ang dapyo ng malamig na hanging panggabi.
“Jamin, please understand? You know I love you, too.”
“But not as much as your love for your dreams.”
Hindi na uli sila nag-imikan pa hanggang sa maihatid na niya ang kasintahan sa tahanan nito. Oo, masama ang loob niya. Nasaktan ang ego niya. Hindi siya makapaniwala na mas siya ang nagpapahalaga sa relasyon nilang magkasintahan. Matulin niyang pinaandar ang sasakyan pauwi.
“MISS, may nagpapa-abot.” Sabay bigay ng isang mail envelope ng isang estudyanteng lalaki kay Rose Ann.
Nagpasalamat siya. Tinaggap ang envelope at binuklat. Maikling sulat lamang ang nakapaloob. Agad niyang binasa iyon.
“Hi Miss,
My name is Jamin Alejandro. I believe we belong to the same department. I don’t know if you already have a partner to the ball this Valentines Day, I hope you don’t, because I would like to be your partner. Can I be your escort?
My number is written at the bottom, please send me your answer to that number. Thank you and I hope to hear a good news.”
What? Like, seriously? Kay Jamin ba talaga galing ito? Oh my god! OH MY GOD! Halos magtatatalon siya sa sobrang kaligayahan. Napansin din ako ni Jamin! Napansin din niya ako!
Kaya naman nagmamadaling nag-text siya sa number na isinulat nito at sumagot ng “YES!” Hindi na siya nagpatumpik pa. Ni hindi rin sumagi sa isip ang kasintahan nito dahil sa sobrang kasiyahan.
TATLONG araw bago siya nakatanggap ng sagot mula rito. Akala niya ay may nagbiro lang sa kanya pero ganoon na lang ang tuwa niya nang sabihin nitong susunduin siya nito sa bahay nila, kaya kung p’wede raw niyang i-text ang address niya.
Dahil may sitwasyon siya sa ama-amahan, sinabi na lang niyang sa ball na lang sila mismo magkita. Pumayag naman ito. Halos hilahin niya ang mga araw para makaharap na niya ito. Ni hindi niya na ito gaanong nakikita sa school ground. Alam niyang busy na silang lahat dahil ga-graduate na sila pero…palagi niyang nami-miss si Jamin.
THE special night finally came. She snuck out of the house wearing something sloppy. she drove to the hair and makeup salon holding the dress she bought last week to wear for tonight.
“H-hi” nahihiya niyang bati pagkabukas ng pinto ng salon.
May tatlong baklang naroon, ang dalawa ay abala sa pag-aasikaso sa naka-upong mga kliyente. Kaya iyong bakanteng isang bakla ang lumapit sa kanya.
“Hey girl. Anong sa ‘yo” I bet it’s your hair, huh?” Malanding pumilantik ang mga daliri nito sa kanyang buhok.
“Ahm…” Mabilis niyang ipinakita ang nakabalot sa folded plastic cover ang evening dress niya. It was floor length, dark navy lace emerald tulle sweep train evening dress, “this is my dress, please match it with the hairdo and makeup, please?”
Every one gasped when they saw the dress. She too fell in love in the dress the first time she laid her eyes on it.
“I love it!” masiglang sabi ng baklang aasikaso sa kanya. Hinila na siya nito at pina-upo para maayusan. “Ako na ba ang bahala sa gagawin ko sa ‘yo?” Taas-kilay nito sa repleksiyon nila sa salamin.
Tumango siya. “Please make me beautiful. I will be dancing tonight with the man I love.”
“Gotcha.” Kindat nito.
SHE took her glasses off, she wouldn’t be needing it tonight. She didn’t really need it, she’s just putting it on to make her looked tacky. But not tonight. She wanted Jamin to see her beautiful side.
Pagkababa pa lamang niya ng taxi ay naagaw na niya agad ang atensiyon ng bawat isa sa hotel kung saan gaganapin ang ball. Nahihiya pa rin siya pero pinatatag niya ang sarili. She would do anything for Jamin. Gusto niyang maging proud ito sa kanya, dahil bagay siya rito. They could be voted as the most beautiful couple tonight.
Nakita niya agad si Jamin sa entrance door ng ball room. Kasama nito ang kaibigan. Masaya at nakangiting humakbang siya palapit sa mga ito, handang-handang magpakilala. Pero natigilan nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“I DON’T think she’s coming.” Lex was fixing his black suit. He could be a model for formal wears, he looked good in a suit.
“She said she will.” But Jamin’s still the best-looking man tonight with his dark navy silk tuxedo, an emerald stripe bow tie, white inside and blue suede pair of shoes. He looked so dashing! They’re a pair matched perfectly.
“Do you think you will recognized her? I mean, kahit gaano siguro siya mag-ayos at magbihis, wala na sigurong ilalabas pang ganda ang babaeng iyon. Teka nga, ano nga uling pangalan niya?” Lex noticed Rose Ann standing a few steps away from them.
“Huh? Her name? I thought you knew?” Jamin wrinkled his forehead.
“You didn’t ask?” Lex couldn’t stop admiring the woman standing so stunningly, looking at them.
“She was just a bet, Lex. Why should I bother myself knowing about her? This is just a one time lost. You will never beat me again.” Napatingin na rin si Jamin sa tinititigan ng kaibigan.
Both were admiring the breathtakingly beauty of that classic appearance. As if she was a portrait painted by a legend, leaped out of that priceless frame.