Chapter Ten – Love and Hate, Have All Its End

2379 Words
“YOU and your father are the people I don’t trust the most. Now, go and clean up. There are eyes watching us.” Muli siyang itinulak nang banayad pagiya sa ladies room.             Dahil nakadikit sa kanya si Jamin, hinablot niya ang mukha nito at idinampi sa kanyang dibdib. “Clean me up Jamin. I want you to touch me just like how you touch your other women. I know I’m not enough to satisfy you. Teach me, I will do it for you.”             “Rose Ann.” Naramdaman niya ang ginagawa nitong pagkalas sa kanya kaya lalo niya itong hinila.             “You treat me like dirt, but please, don’t let me sink too low in the mud. I’m not asking you to love me, I just want a little bit of you.”             “Halika…ako na ang maghahatid sa ‘yo.” Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan.             Pangko-pangko siya ng asawa habang lumalabas ng hotel kung saan ay walang makakakita sa kanila. Jamin’s familiar scent felt like home. Yumapos ang mga braso niya sa batok nito at lalo pang idinikit ang mukha sa dibdib nito.             She was hearing his heartbeat for the first time. Beats that won’t ever work for her. Inilapag siya sa passenger’s seat, kinabit ang seatbelt, bago pum’westo sa driver’s seat. Nahihilo siya, kaya ibinaba niya ang bintana at hinayaan ang hanging panggabi na dumapyo sa kanyang mukha.             Nakaramdam siya ng kaginhawaan. Pero mayamaya’y may sumaglit sa kanyang isipan, nakaramdam ulit siya ng pagkirot ng dibdib.  “I…I can walk by myself. You can head back to the party.” Sabi niya nang ihinto nito ang sasayan sa harap ng condo.             Sa halip ay bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto. Pinangko ulit siya hanggang sa makapasok sila ng building, at ibinaba siya sa loob ng elevator. Sumandig siya sa dingding.             “Sorry…kung hindi ako kasing-galing ng mga babae mo. You know you’re my first. Dapat pala…dapat nagpraktis din ako katulad ng mga kakilala ko sa college bago ako nakasal sa ‘yo, baka sakaling…naging magaling din ako sa kama.” Pagak siyang natawa.             “Shut that mouth, angel.” Hindi lumilingong sabi nito.             “I know you met your ex in college yesterday. Someone told me. They saw you enter in a hotel room. Tiffany, was it? Yeah…the campus beauty everyone admired back in college.” Inalis niya ang mga sapatos at hinayaan lang iyon tumilapon sa kung saan.             “Siya lang ang sineryoso mo. Ang relasyon mo lang sa kanya ang tumagal. From high school to college, you were stuck together like gums. Everyone thought you both will get married after college, but…” Natawa siya.             Tumigil ang elevator. Narating na nila ang floor nila. Bumukas ang pinto. Dinampot nito ang mga sapatos niya at inalalayan siyang lumabas. Nang nasa harap na sila ng pintuan ng pad, tinabig niya ang braso nito na nasa kanyang balikat.             “I know you still love her. Siguro nagsisisi ka na pinakasalan mo ako ngayong bumalik na siya ng Pilipinas. So, did you do it? How was it? Rekindling an old affair, huh? Does she want you back? Do you want to go back?”             Binuksan nito ang pinto. “Get in.”             “Punyeta!” Bigla niyang sigaw. Hinawakan niya ang mukha. Galit siya, pero hindi niya alam kung sa sarili o rito. “I know you hate that I’m here. I hate that I’m here. But I like that you’re here.”             “I’ll help you in the shower.” Muli siya nitong inalalayan.             “Leave, Jamin. You can’t be out in your own party. Go back to her, I saw her waiting for you. You were with her before I came. I know you were. Her eyes had been following you all night. And you were sneaking glare with her. Damn it…please go.” Tabig niya uli sa braso nito at naglakad papunta sa kanyang kuwarto.             Binuksan niya ang pinto, pumasok, isinara, tsaka sumandig doon. Narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto sa sala. Tuloy -tuloy na tumulo ang kanyang mga luha. Hinubad niya ang suot na damit, panloob, lahat-lahat ng nakadikit sa katawan at lumusong sa bathtub. Binuksan niya ang shower, tsaka ibinabad ang sarili at umiyak nang umiyak sa ilalam ng tumutulong tubig.               Was it thirty minutes already? Ah…but her feet couldn’t move to get out of the tub. She felt so heavy. Her heart was hurting too much. Her eyes won’t stop tearing. “s**t-s**t-s**t!” And as if those were chants to ease her pain away.             Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto ng banyo. Naramdaman na lang niya ang paghinto ng tubig na tumutulo sa kanya, gayon din ang tuwalyang bumalot sa kanya. She looked behind her to see Jamin.             Hindi siya nagsalita. Patuloy naman ito sa pagpunas sa basa niyang buhok matapos ibalot ang bathrobe sa kanya. Inalalayan siya nito sa kanyang kama. Akala niya ay aalis na ito. Ni hindi nga niya alam na bumalik pala ito. Pero ayaw na niyang pahirapan ang utak sa kung ano ba ang ginagawa nito. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya kaya naman para siyang robot na sunud-sunuran lang sa pinagagawa nito sa kanya. Pinasuot nito sa kanya ang mahabang night gown. Pati panties ay ito rin ang pumili at ito na rin ang nagpasuot sa kanya. Wala sa sariling napahagikgik siya. She must be really dreaming. There’s no way Jamin would care like this. No way. Nakaharap na sila parehas sa harap ng tokador niya. He was blowing her hair dry. How sweet of him do that for her. No…he must have done it countless times with Tiffany. Everything had been shared and done with Tiffany. Tinabig niya ang blower at tumayo. Padapa siyang humilata sa kama, hindi maayos at nakasampay ang mga paa sa gilid. “Rose Ann…” Jamin called. Hinablot niya ang unan at itinakip sa ulo. Ayaw niyang marinig ang tinig na iyon. “Look at me.” He repeated. No! Go away! sigaw niya sa isip. Pero naramdaman niya ang pamilyar na init ng haplos nito nang pilit siyang inihaharap. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya kumurap, pinakikiramdaman ang lalaki sa harap niya. He’s real. He must be real. Dikdik ng utak niya. “Why are you here?” paos niyang tanong. “Are you jealous of Tiff?” Natawa siya. Pagak. Mapait. Masakit. “Always. Since college. You were your happiest when you’re with her. I knew the look you were giving her. I saw it again tonight. You loved her…and still do. But I’m your wife, Jamin…I may not have your heart, but I wish the rest of you are all mine.” “We’re married by papers only and you know that.” “Paper. Physical. They’re still legal. I can’t have you cheat on me. I won’t allow it. Please don’t let her touch you. Don’t touch her, Jamin, please don’t. Tell me you did not. Not again.” “Tell me your father’s plan. What are your plans? Tell me and let’s compromise. What are they, angel?” Napapikit siya. She was never loved. She was never cared for. She’s just an object to both of them. “Angel?” haplos nito sa balat niya. “That’s not my name.” “Tell me.” Itinakip niya ang braso sa mga mata. Paulit-ulit siyang lumunok para linawin ang bara sa kanyang lalamunan. Pinipigilan niya ang pagbalong ng mga luha. “I’ll tell you if you promise to answer me honestly.” “Okay.” Lumunok muna ulit siya. Inalis niya ang braso sa mga mata. Diretso niyang tinitigan ang asawa. Matagal. Walang masyadong ipinagbago ang mukha nito noong college, kung mayroon man, lalo lang itong gum’wapo. “Is she back for good?” Ilang minuto muna itong hindi umimik. Pagkuwa’y nagpakawala ng hininga at diretso ring tinitigan siya. “Yes.” Muling bumuka ang bunganga niya para magtanong uli pero pinigilan siya nito. “My turn to ask. The hotel, where we were caught by the paparazzi, was it planned?” Gusto niyang sabihing ire-phrase nito ang tanong, pero alam niyang mayroon na itong pinaniniwalaan at conviction na lang ang hinihingi nito. He will never believe her whatever she says. “Yes.” Nakita niyang nangalit ang bagang nito. Nanalim ang mga titig. “Did you spend the night with her?” mabilis niyang tanong bago pa man ito tuluyang magalit. “Yes.” Mataginting nitong sagot. Nangiti siya. Pero sa loob ay parang matalim na punyal iyon na sumaksak sa kanya. Of course,…of course. “Are you really a spy of your father? Is that why you consent this marriage?” “Dalawang tanong. Oo ang sagot. My turn. Are you planning to get back together? Do you still love her?” “Pass.” “Pass? I answered your questions, now answer mine.” “Pass. Next question.” “Do you like me?” “Yes.” Diretso nitong sagot. Saglit siyang natahimik. Gustong lumundag ng puso niya pero pinigilan niya. “What do you like about me?” “Your body.” “Yes…of course.” Nanikip ang kanyang dibdib. “My turn. Tell me more about your plans.” Tumayo siya. Kumuha ng alak na nasa tokador at nagsalin sa baso. “Don’t you think you had enough for tonight?” He protested. “I’m home anyway. It will help me sleep.” Sumipsip siya sa alak. “The old man wants to know everything about your transactions. He wants to know your secret and techniques in running the ever-successful Alejandro Corporation. He wants me to steal all your client’s and other partners’ information. He simply wants to overpower you and sit on the top as the richest and most influential businessman in the world.” “Did you get any?” “Its my turn to ask.” “Sagutin mo muna.” “Yes.” “What are they!” Tumayo ito’t hiniklas siya sa braso. “That’s your third. It’s my turn!” Balik-galit din niya. “Tell me before I rip that mouth of yours!” “Punyeta ka!” Tinulak niya ito. Hindi pa nakuntento, inihagis niya ang lamang alak sa baso sa mukha nito kaya napa-atras ito. “What the hell!” Sinugod niya ito’t malakas na sinampal sa mukha. “We had a deal!” Tsaka siya sumuntok sa dibdib nito. Pinigilan siya nito’t hinawakan ang mga braso niya. “Stop it.” “Are you planning to annul our marriage? When?” “After I place your father where he really belongs.” “f**k me.” Natigilan ito. “Gusto mo ang katawan ko, hindi ba. Well, gusto ko rin ang sa ‘yo. Why don’t we just enjoy what we both like?” “What is the information you gave your father?” ulit nito. “I will tell you, if you give me what I want, Jamin.” “You are as persistent as your father.” Hindi na siya sumagot. She closed the distance between them and pulled his mouth to hers. “Kiss me.” Bago pa ito nakapagprotesta’y siya na mismo ang nagdikit ng labi sa mga labi nito at malalim na humalik. Naitulak siya nito palayo pero lalo lang niyang isinuksok ang katawan dito. “Touch me.” Pahiklas niyang inalis ang damit sa katawan. Inisa-isa rin niya ang pagkalas sa butones ng poloshirt nito. “Stop it, Rose Ann.” “Close your eyes and imagine me as Tiffany if that would help.” “Stop it!” Tinabig siya nito. Pero mabilis siyang bumalik at ipinagpatuloy ang paghubad sa suot nito. “Do you know how you looked like right now? You’re acting so cheap.” “I don’t care. You treated me like s**t anyway.” “Let go.” “No!” Akma itong aalis pero mahigpit niya itong niyakap sa likuran. “Please don’t go... I love you, Jamin.” Nasa gano’n silang posisyon nang tumunog ang cellphone nito. Hinugot nito iyon sa pantalon at tiningnan ang caller, nahagip niya ang pangalang nakarehistro sa screen. It’s Tiffany. Bumitiw siya sa pagkakayakap. Tumalikod. Humakbang papuntang banyo. Huminto sa harap ng pinto. “Go to her. My father knows nothing yet. Wala akong ibinibigay sa kanya. Wala pa akong nakukuhang impormasyon sa iyo.” Hindi niya narinig ang pagkilos nito. Lumingon siya’t nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Pinatatag niya ang sarili. “You…you are the happiest memories I have, but also the most painful one.” Binuksan niya ang pinto ng banyo at pumasok, tsaka ipininid pasara. JAMIN left his pad. His mind couldn’t make up what to do. He headed back to the party, but his head was full of Rose Ann’s confession. Paniniwalaan ba niya ang mga sinabi nito? Hindi siya sigurado. Tiningnan niya si Joaquin na nasisiyahan sa pakikipag-usap sa mga bisitang may matataas na estado sa negosyo, magagawa ba nitong ipagkanulo ang sariling ama? Napa-iling siya. Hindi. He drank his wine. He took notice of the woman wearing a wine velvet hugging dress. Ngumiti ito sa kanya. Tiffany, balik ngiti niya. “Are you planning to get back together? Do you still love her?” balik-tanaw niya sa tanong ni Rose Ann. No. He wasn’t planning on it. And no, he does not have anymore feelings left for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD