PINAGMASDAN ni Rose Ann ang sarili sa salamin. Kanina pa siya nakabihis para sa engagement party na dadaluhan nilang mag-asawa. She’s wearing a sleeveless, V-neck long beaded tulle dress in midnight blue color.
Hinayaan lang niyang nakalugay ang aluning buhok sa likuran at magkabilang gilid ng balikat habang ang harapan ay bahagyang iniusli at inipitan ng mga itim na bobby pins. She applied a plum-colored smokey eyemakeup and lipstick, dark mascara, and luminate moisturizer.
You’re back, kausap niya sa sarili. Ang tagal na rin mula nang makita niya ang sarili na ganito at hindi ang kaanyuang ipinakilala ng kanyang ama-amahan-the total opposite of her classic-matured-portrayed-self.
Lumabas na siya ng silid. Nasa patio si Jamin, naghihintay, bihis na rin. May kausap ito sa cellphone. Umiwas ito ng tingin nang magpakita siya para sabihing handa na siyang gumalak. Siya naman ang naghintay.
Tumayo siya sa harapan ng malaking portrait niya sa dingding. Kumirot ang puso niya sa nakita. She had her mother’s facial features. They both had sad eyes. They both kept painful memories in their hearts. She felt sorry for her because she left life bearing nothing but sadness and misery. Napa-iling siya. I don’t want to live like you, mom. I’m not going to follow in your footsteps, determinado niyang sabi.
“I’m sorry to have kept you waiting. Are you ready to go?” Putol ni Jamin sa pagmumuni niya.
“Yes, I am.” Kumilos siya.
Lumabas na silang mag-asawa ng pad. Sumakay sa bumukas na elevator. Magkatabi silang tumayo. Bumukas ang pinto sa ilang floors, at sa tuwing may papasok na mga lalaking tenant, umaakbay si Jamin sa kanya, o kaya ay hahawak sa kanyang kamay.
Tiningnan niya ito, kibit-balikat lang ang itinugon sa kanya. Men are territorial, Jamin was no different. Hindi man siya nito mahal, pakiramdam nito’y pag-aari na siya at may karapatang angkinin ang lahat sa kanya.
Nakarating sila sa sasakyan nito, hawak pa rin ang kamay niya. Inalalayan pa siya sa pagsakay sa passenger’s side, bago umupo sa driver’s seat, and off they went.
“My friend’s name is Lexter Ventura. He used to model for Giovani Suit, and now a partner of the company. He is marrying the daughter of the president of Giovani.” Hindi lumilingong sabi nito.
Giovani is an Italian franchise of suit making in the Philippines. Matagal na rin iyong established sa bansa kaya naman lumaki at ngayon ay isa sa kilalang branded suit of all kinds. At siyempre, kilala niya ang kaibigan nito, ang Lex na siyang tumalo rito para gawin siyang kapareha sa Valentine’s ball noong college nila.
Ilang minuto pa’y nakarating na sila sa isang five-star hotel. Bumaba sila sa entrance door. Iniabot ni Jamin ang susi sa valet attendant. Ini-arko nito ang braso, ipinasok niya ang braso roon saka sabay na lumakad papunta sa event.
Flashes of camera welcomed them upon entering to the event. Dahil pareho na silang sanay, agad silang ngumiti, kumaway at bumati sa mga reporters na invited para sa pagsasalong iyon. May mga nagtanong pero hindi sila sumagot. Nagpatuloy sila sa paghakbang hanggang sa makalabas na sila sa grupo ng mga reporters.
“JAMIN p’re!” Masiglang lumapit ang isang matangkad na lalaki sa kanila.
Nabago ang tikas ng katawan nito. Naayos ang pagkakatayo at kilos. Good and rich looking. Pero naroon pa rin ang pilyong ngiti na natatandaan niya nang huling gabing makita niya ito.
“Lex!” Bati rin ni Jamin. Nagkamay ang mga ito. “Meet my wife, Rose Ann Romero.”
“And I’m finally meeting the famous nightingale of the 21st century,” tudyo nito sabay abot ng kamay.
Kinuha niya iyon at nakipagkamay. “It’s nice meeting you, too.” Sagot niya.
“Wait…” he paused and carefully looked at her. “you looked kind of familiar.”
“Really?” Naitaas niya ang kilay.
Jamin noticed it. His smile disappeared.
“It’s you! It’s you, right?” Panlalaki ng mga mata nito, animo sobrang natuwa dahil sa may naalala.
“She’s what?” Iritadong tanong ni Jamin.
“She’s that girl, p’re.” Muwestrang reaksiyon nito sa kanya.
“What?” Hinila ni Jamin ang kamay niya.
“The girl who appeared out of nowhere during the ball and disappeared just like that. It was you, right?” Paninigurado nito.
Napatingin sa kanya ang asawa. Nanunuri mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo nito. “Were you?” Pagkuwa’y hindi na rin nakatiis at nagtanong.
Ngumisi siya. How long has it been since then? Four years? Five? She chuckled. “It’s nice meeting you, Mr. Ventura. And congratulations on your engagement.” Sa halip ay pagbati niya.
“T-thank you.” Tumingin ito kay Jamin. Tila pareho naman silang natahimik.
May iba pang bisitang dumating kaya naman napilitan si Lex na harapin ang mga iyon. Lumibot sila sa party, may mga kakilala si Jamin na hinintuan nila para bumati at makipag-usap. Ganoon din naman siya. Magiging mahaba ang gabing ito para sa kanilang dalawa.
Jamin separated from her. She took that chance and headed out of the party. She looked for the veranda and found it at the east side. She opened the door. The high wind welcomed her. She walked to the rails and enjoyed the night view.
“HI,” pagbati sa kanyang likuran.
Lumingon siya, saglit na natigilan. Of all people to see right now, why her?
Lumapit si Tiffany sa kanya. Pum’westo sa tabi niya. Pinagmasan din ang panggabing mga ilaw. “This is really nice.” She said smilingly.
Hindi siya umimik. Ayaw niya sa presensiya nito. Ni ayaw niya itong maka-usap. Pero nasanay na siyang magkunwari, kaya nanatili siya sa kinatatayuan.
“You are married to Jamin, right?” Malungkot nitong tawa.
Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung ano at saan tutungo ang kanilang pag-uusapan.
“I still love him.” Walang gatol nitong pahayag.
Tumawa siya. Natawa siya. Nagpatuloy iyon at halos maluha na siya. Hinapit pa niya ang tiyan dahil nanakit iyon sa pagtawa. Nakatingin lang naman ito sa kanya na may pagtataka.
“I know your marriage was not real.”
Doon lang siya tumigil sa pagtawa. Marahas na nilingon ito. Kunot ang noo. “What did you say?”
“Your marriage is a stageplay, and you’re both jus acting as a couple. Tell me I’m wrong, Ms. Romero.”
Tumalim ang kanyang mga tingin. Hinarap ito. Maganda na ito mula pa noon, pero mas maganda siya ngayon. Walang kinang ang ganda nito ngayon, walang buhay, walang saya. She looked sickly pale. Her dark evening dress added a gloomy aura on her dull face. If not for Jamin, she would feel sorry for her.
“You’re wrong. I love him. I married him because I love him.”
“Of course, anyone would fall for him. He’s a great catch after all. But…does he love you?”
Magalit. Masaktan. Sampalin ito sa pisngi. Iyon ang reaksiyon na dapat sana ay ginawa na niya pero pina-iral pa rin niya ang katinuan. “Why do you ask?” Taas ang noo at diretsong nakipagtitigan dito.
Hindi naman ito naka-imik kaagad. Tila may kung anong iniisip. “I want him back.”
“SHUT YOUR MOUTH!” Mahina, pero mariin niyang bigkas. “Mag-iingat ka sa mga sasabihin mo kung ayaw mong may gumalang tsismis na nangangalabit ka ng may asawa na.” She was still trying to calm herself.
“Mahal ko pa rin siya at kahit kailan ay hindi siya nawala sa isip ko. I regretted parting with him.”
“Wala-akong-pakialam! Huwag mong sabihin sa akin ang anumang pantasya mayroon ka sa asawa ko.”
“Alam kong mahal pa rin niya ako!” Agaw nito. “Alam ko dahil ako lang ang totoong minahal niya mula noon hanggang ngayon. At kilala ko si Jamin, minsan lang siya magmahal, at alam kong ako pa rin ang nasa puso niya magpahanggang ngayon. At ang tungkol sa inyo, alam ko ang katotohanan sa pagitan ninyo dahil siya mismo ang nagsabi sa akin.”
Hindi na niya napigilan ang sarili pa. Mabilis na bumigwas ang palad niya sa pisngi nito. Dahil sa matinding galit, napalakas iyon kaya sumadsad ito sa semento. Dahil nagulat, nasaladsad ito at nawalan ng balanse. Napasigaw ito nang makita ang dugong tumulo sa mga hita nito.
Napasinghap siya nang makita iyon. Kinabahan. Natakot. Mabilis niya itong nilapitan. “A-are you alright?”
“Get off me!” Tulak nito.
Nanginginig na tinitigan niya ang bahid ng dugo sa kanyang mga kamay. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Nabigla siya nang may kumislap na ilaw sa kanila. Tiningnan niya ang pinanggalingan niyon, may reporter na kumukuha ng litrato niya. Nabahala siya.
“Help. Help me! Help my baby, please!” pagtangis ni Tiffany.
Baby? Natilihan siya. Muling nagalit. Nilapitan niya ito at hinaklit ang braso. “Whose baby is it? Kanino? Sabihin mo!” Pagpupumilit niya.
Muling kumislap ang mga camera, mas marami na.
“Si Jamin ba? Kay Jamin ba?” Napaluha na rin siya. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Tanging galit at sakit ng damdamin ang pina-iral niya.
“Kapag may nangyaring masama sa baby ko, pagbabayaran mo!” galit na sigaw nito.
Nagsimula nang mag-usyoso’t magtanong ang mga reporters. Tumayo siya’t umatras. Sumandig siya sa rails, hindi alam ang iisipin, nasasaktan, natatakot. Hanggang sa lumitaw si Jamin mula sa grupo ng mga umuusyoso sa kanila.
Siya ang unang nakita nito, pero lumipat kay Tiffany at ganoon na lang ang gulat at takot na bumakas sa mukha nang makita ang dugong nasa mga hita nito. Mabilis itong lumapit kay Tiffany.
“Jamin, the baby…. Please save our baby.” Kapit nito sa braso ni Jamin
Tila bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Their baby…it’s their baby. Him and Tiffany’s. Nakatitig siya kay Jamin. Samantalang ang buong atensiyon nito ay na kay Tiffany. Tumalikod siya. Hinarap ang gabi ng kawalan. Ang sakit. Nakita niya ang mga sasakyang nasa ibaba ng building, nakatigil at umuusad depende sa mga ilaw ng traffic lights.
Gusto niyang maglaho. Gusto niyang tumalon. Gusto niyang walang maramdaman. Pagod na siya. Pagod na pagod. “Ayoko na…mom…will you please take me with now?” Humigpit ang pagkakahawak niya sa rails.
Nagpatuloy sa pagdumog ang mga reporters, sabay-sabay sa pagtatanong. JUMP! Jump Rose Ann and everything will be fine. Just jump, mga salitang bumibingi sa kanya.
Natingnan niya ang suot na wedding ring. Kuminang ang malaking dyamante sa gitna niyon. “This is not mine…I don’t want this.” Hinugot niya iyon sa daliri at tinimbang sa palad. Ikinilos niya ang palad para mahulog ang singsing sa ibaba ng building, pero hindi natuloy dahil may kumuha niyon. Nilingon niya kung sino man ang pangahas na iyon.
“I will bring you home.” Jamin held her arm, pulling her back from the rails.
Pagkuwa’y lumingon sa mga reporters, “Please, that should be enough. You can leave us alone now.” Mahigpit nitong sabi.
Nagbubulungang tumigil sa pagkuha ng pictures ang mga ito at iniwan nga sila. Muli siyang hinila ni Jamin para umalis na rin pero binawi niya ang kamay.
“Where is Tiffany?” Sabay lingon niya sa asawa.
“An ambulance came. She was sent to the emergency. I will have to check on her once I sent you home.”
“She’s…she’s carrying a child, is it yours?” Hindi na siya nagpaligoy pa.
Hindi ito umimik.
“Please, I’m begging you, just for once…answer me.”
Tumigas ang panga nito. Matiim na tumitig. “Why do you want to know?”
“Just f*****g answer, me!” Sinuntok niya ito sa dibdib.
“What is it to you!”
“I am your wife!”
“Are you really?”
“A-anong ibig mong sabihin? Kasal tayo, Jamin.”
“Sa papel, oo. Pero sa isip, puso at kaluluwa, mag-asawa nga ba tayong maituturing? You know very well what brought us together. Business. Money. Power! You are not my wife, Rose Ann Romero, and you know that very well yourself.”
Sinampal niya ito. Malakas. Pero tila sa bakal bumalandra ang kanyang palad. Hindi man lang ito natinag. Nanatili ang mapait na tingin sa kanya. “It is becoming your habit to hit me. That’s going to be the last you’re touching me. I will tolerate it no more.”
“Yes…it’s going to be the last time.” Dinuro niya ang dibdib nito. “It is going to be the very last time.” Pagkuwa’y humaplos nang banayad ang palad sa mukhang sinampal. “I have always loved you…and this is also the last time I’m going to do that.”
“What do you know about love?” Namasa ang mga mata nito sa luhang bumalong.
“Marahil nga ay hindi ko alam. Kaya marahil hindi kita makumbinsing mahalin ako.” She backed away from him.
“Ihahatid na kita-”
“No. Puntahan mo na si Tiffany. At pakisabi, sorry. I hope the baby is okay.” Tumalikod siya.
“The reporters are crowding outside; I will help you hail a cab.”
Hinayaan na lang niya ito. Hinayaan lang din nilang dumugin sila ng mga reporters pagkalabas nila ng hotel. Pumara ito ng taxi para maihatid na siya pauwi.
“Give your friend my apology for ruining the party.”
“I already did.”
“I’m sorry, Jamin.”
Inalalayan siya nito sa pagsakay sa taxi. “I’m sorry, too.”
Ngumiti siya. I love you. Gusto niyang sabihin, pero… “Goodbye, Jamin.”
“I’ll see you later.” Paalam nito bago isinara ang pinto.
Umusad na ang taxi. Nilingon niya itong nakatayo roon habang papalayo ang sasakyan…hanggang sa lumiko ang taxi at naputol na ang kanilang pagtitinginan.