Chapter Fourteen - Starting Over Again

2348 Words
“MR. ALEJANDRO, Don Joaquin is still waiting outside.” Paalala ng secretary ni Jamin.             Tiningala niya ito mula sa mga dokumentong binabasa sa mesa. He sighed and took his glasses off. “Alright, let him in.” Saka siya tumayo para lamang umupo uli sa dark leather couch sa harap ng working table niya.             Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang kanyang sekretarya kasunod ang matandang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. Tumayo siya para batiin ito kahit ang totoo ay hindi ito karespe-respeto sa kanyang pagbati.             “Please have a sit, Don Joaquin.” Kanyang muwestra sa sofa.             Pero hindi ito tuminag at matalim na tumitig lamang. “Did you find her?”             “There is still no news from my side. How about yours?” Umupo siya.             “I’m not going to waste my time coming here if I already have!”             “No, I don’t have a news of your daughter.”             “Incompetent!” mura ng matanda.             Tumayo si Jamin. “One more s**t coming from that mouth of yours and I will have my security drag you out of my office, Don Joaquin. Do not push my patience.”             “Hijo de puta!” Duro sa kanya.             “Zoe! Call the security!”             Bumukas ang pinto ng kanyang silid at sumilip ang tinawag. “Right away Mr. Alejandro.”             “It’s been two years, Alejandro. She’s been missing for two years!”             “Your daughter left on her own. We’re practically not married anymore since she left an annulment paper with her signature. I am not related to you anymore, and in any way. Our business partnership has been dissolved and I already paid the penalty for the breached of contract. You have no right to come barging in here as if I owed you.”             “You can’t annul your marriage. No!” sigaw nito nang bumukas ang pinto at may dalawang security na pumasok para hilahin ito palabas.  “You heard me Alejandro? You can’t!”             “I don’t ever want to see you again, Don Joaquin.”             “Puñeta! ¡Eres inútil!”             “Get him out of here and don’t ever let him in anymore!” utos niya.             Nagsitanguan ang mga tauhan. Muli siyang umupo sa swivel chair at humarap sa mesang puno ng dokumento. Pagkuwa’y kinuha sa table drawer ang isang brown envelope, hinugot ang nasa loob niyon. Annulment paper. He found it on his bed when he woke up the next morning, signed and dated. He massaged his temple using his thumb and forfinger. He shut his eyes. Rose Ann was gone when he came back from hospital after checking up on Tiffany. He realized that she didn’t take anything with her. She left everything-her cash, clothes, identification cards, credit cards, credentials, everything. Pinasuyod din niya ang mga ospital at morgue, naghintay ng tawag mula sa posibleng kumidnap dito pero…nawala na lang itong parang bula.             Kung ang ama nito ay hindi ito mahanap, imposibleng makita din niya ang asawa. Asawa…nakuyom niya ang palad. They were never a couple.               MAY kumatok sa pinto. Akala niya’y ang secretary uli kaya hinayaan lang niya. Pero si Tiffany ang pumasok nang bumukas iyon.             “Jamin.” She called out.             “I thought I made it clear that you can’t come here?” Nakaramdam siya ng pagka-irita.             “I’m sorry but…you’ve been avoiding my calls and-”             “Tiff,” he interrupted, “walang tayo. Iyong nangyari, aksidente. Inihain mo ang sarili mo sa akin nang gabing lasing ako. You took advantage of my weakness. When you broke up with me, I admit it hurt me, but I learned to accept it. I’ve forgotten about you, Tiff. I really did.”             “Please? I still love you-”             “Don’t you get it? Kahit ano pa ang gawin mo, hindi na kita magagawang mahalin pang muli. That show you did in front of Rose Ann. I did not appreciate that. That was not you, not that low.”             “I just…I just can’t see you be unhappy with her.”             “And who gave you the idea that I was? And if that was ever the case, I chose it myself. Ako Tiffany, at hindi ikaw. Do not assume that I was just because I had problems with her. I don’t owe you anything.”             “Pero nagbunga ang nagyari sa atin.”             “Sa akin mo dapat sinabi at hindi sa kanya! Ako ang may responsibilidad at hindi siya! That one-night mistake was not her fault and she did not deserve what you did.”             “I’m sorry. Natakot ako dahil…baka hindi mo na ako magawang mahalin uli kapag nagtagal pa kayo.”             “I loved you once. That once was over. You lost my child that night, and I’m sorry for that. But I’m not sorry that we remained like this. There was nothing between us two years ago, and there is still nothing between us until now. Please Tiff…let go.”             Tahimik itong umiyak, pero hindi inalo. Hinayaan niyang ibuhos nito ang buong damdamin sa pag-iyak. Napabuntung-hininga siya. Tumingala. He felt drained. Empty. Lonely.             “She loved you.”             “What?” Tumingin siya rito. Tumigil na rin ito sa pag-iyak. Inayos ang sarili. “She loved you.” He laughed, but it tasted like iron in his throat. “Kahit kailan ay hindi mo ako tiningnan katulad nang pagtitig mo sa kanya. You were never intensed with me. You were never jealous, but with her…you always looked like you would kill anyone who tries to get comfortable with her. Kaya naman natakot ako na kapag hindi pa kayo naghiwalay, baka tuluyan mo na siyang mahalin.” Naiintidihan niya ang sinasabi nito pero hindi mapaniwalaan. Imposible ang sinasabi nito. “Don’t be exaggerated, Tiff…ikaw pa lang ang minahal ko.” “Don’t you get it? Why don’t you see it yourself, Jamin? Bakit hindi mo makitang mahal ka niya? At alam mo iyon pero ayaw mong tanggapin? Aminin mo man o hindi, alam ko, nakapasok na siya sa puso mo at tanggapin ko man o hindi, mas mahal mo siya kaysa sa pagmamahal mo sa akin noon.”             Hindi siya umimik. Walang reaksiyon. Nanatiling nakatitig sa dating kasintahan.             “Kaya kung ayaw mong maranasan ang pagsisising nararamdaman ko ngayon, hanapin mo siya bago pa maglaho ang pagmamahal niya sa iyo.” Determinadong bitaw nito.             “I don’t know where she is. I don’t even know if she’s still alive.”             “Susuko ka na lang ba katulad nang pagsuko mo sa akin noon? Hindi mo ako sinundan. Hindi tinawagan. Hindi umulit at hinayaang tuluyang maglaho sa buhay mo. Maaaring nakalimot ka sa akin, lucky you, pero…sana hindi ka mahuli sa kanya. Sana ay may babalikan ka pa.” Tumalikod na ito.             “Tiffany…”             She looked back.             “Thank you, and…I’m sorry.”             Isang matipid na ngiti at mga luha ang isinagot nito. Saka tuluyan ng umalis. Nang mapag-isa’y sumandig siya sa swivel chair. Tama ba ito? Mahal na nga ba niya si Rose Ann? Totoong mahal nga ba siya nito? Where are you Angel? Where are you hiding? Tanong niya sa sarili.   “Mr. Alejandro, sir. Your father called and asked if you can take a few days off next week?” pahabol ng secretary niya bago pa niya lisanin ang opisina. “Oh, yes of course. Are the tickets ready? Did you inform the resort of our arrival?” “Yes sir. Carmella Resort is expecting you on the second day of next week. A staff will pick you up at the airport. The director of the hotel is planning everything per your instructions.” “Good. Go home, Zoe. Spend the rest of the day with your date. Have a nice Valentine’s day.” “T-thank you, Mr. Alejandro. I wish I could say the same.” Tipid na ngiti lamang ang isinagot niya bago tuluyang umalis.   ~ ~   “ABBIGAIL! OMG! Big news! Good news!” sigaw ng isang babaeng naka-two-piece swimsuit habang patakbong lumalapit sa tinawag na Abbigail. “Ano ba Karen, ang poise mo, nasira na.” Pinandilatan ni Abbigail ang babae. “Ay, sorry!” Tumigil si Karen, hinahabol ang hininga habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. “Ang init!” saka reklamo. Natawa si Abbigail. “Tumakbo ka kasi.” “Uy, teka nga. May balita ako.” Sabay tapik sa kanyang balikat. “Aray!” Nahawakan ni Abbigail ang daliring natusok ng karayom. “Sorry!” Umatras si Karen, taas ang dalawang kamay. “Wrong timing ba ako?” Nagpa-cute pa ito. “Wala ka naman pinipiling araw o oras para istorbohin ako e. Ano ba kasing ginagawa mo rito sa tindahan ko? Iniwanan mo na naman ang puwesto mo ano?” “Hindi ‘no. Kaya nga ako tumakbo rito para makabalik agad ako. Teka nga, makinig ka kasi.” “Uso ang text at tawag, Karen.” “Mas exciting kasi kapag live.” Tawa nito. Natawa na rin si Abbigail. “Darating ang may-ari ng Carmella Resort. OMG! Makikita ko na rin sila ng personal.” Kinikilig nitong pahayag. Anak ng katiwala ng resort si Karen na matagal na ring naninilbihan. At ngayong nasa edad na ito’y ipinasyang mamasukan bilang entertainer ng resort. Magaling itong hula-dancer, isang kasiyahan ng resort na dinadayo ng mga turista. Tourist guide din ito, palibahasa ay iyon ang kursong tinapos nito. “Artista ba? Model? Nasa pulitika? Sikat?” Patianod ni Abbigail. Hindi siya interesado kung sino man ang may-ari ng resort na pinagta-trabauhan nila, sinakyan na lang niya ang kaibigan para kahit paano ay may silbi ang ginawa nitong pagtakbo sa tindahan niya ng mga sarong sa ilalim ng init ng araw. “Hindi. Ano ka ba. Everyone knows about the history of this resort. This place used to be an island. May babaeng naninirahan dito na ang pangalan ay Carmella. May napadpad namang binatang dayo rito, naligaw at naaksidente. Si Carmella ang nag-alaga sa lalaki hanggang sa tuluyan na itong gumaling.” “Karen, alam ko na, ilang beses mo bang ikukuwento iyan?” Pero tila hindi siya narinig ng kaibigan. Magkasalikop ang mga kamay na nakatingin sa kawalan, habang nagpatuloy sa pagkukuwento, habang kinikilig. “It was love at first sight between them! It’s so romantic. Pero umalis ang lalaki nang gumaling na ito. Akala ni Carmella ay hindi na uli sila magkikita pa ng lalaking pumukaw ng kanyang damdamin pero…bumalik si Jaime!” Tili nito na parang sinisilihan. Napa-iling na lang si Abbigail. Hinayaan ang kaibigan sa anumang paniniwala mayroon ito sa pag-ibig.             “So, hayun. Jaime happened to be a wealthy man, built this hotel and resort and named it after his wife, Carmella. Ilang taong din silang nanirahan dito, nagka-anak, pero nang mawala si Carmella dahil sa isang malubhang sakit, pinili ni Jaime na ipamahala sa iba ang resort at sa Maynila na nanirahan.”             Suminghot si Karen, naramdaman niya ang pagdadalamhating nararamdaman nito sa hinahangaang kuwento. Pinahid nito ang luhang namuo, saka ngumiti.             “Anyway!” Biglang bawi at ngumiti. “They are coming back after long years. Babalik ang mag-ama para i-celebrate ang twenty-eight anniversary ng resort.”             Napatango siya.             “I can’t wait to meet their son. I bet he’s gorgous looking. Sana binata pa.” Sabay malanding tawa nito.             “Bumalik ka na sa puwesto mo at baka hinahanap ka na nila.”             “Oo na. KJ ka kahit kailan.” Saka siya nito pinakatitigan. Nailang tuloy siya.             “Bakit na naman?”             “Alam mo, Abbi…tanggalin mo kaya iyang salamin mo at mag-contact lense ka na lang. Tapos, medyo bawasan mo ang kulot ng buhok mo, ipa-straight mo kaya?”             “At ako naman ngayon ang papansinin mo?” Napa-iling siya.             “I’m serious. Ang ganda mo kaya! Gandang nakatago dahil diyan sa mga salamin mo sa mata at buhok mong parang kinukuryente araw-araw. At saka iyang damit mo, ang losyang. Kabaligtaran ng mga tinatahi mong sarong at mga damit na hot items sa mga turista.”             “Ano ba, Karen? Komportable ako sa pananamit at itsura ko. Tigilan mo ako.”             “Kaya walang dumirikit na guys sa iyo e. Ikaw rin sige, mag-isa ka uli ngayong Valentine’s day.”             “And I’d prefer doing that. Now, go.” Nguso niyang paalis.             “Iyong boyfriend ko, may friend na naghahanap ng ka-date-”             “No. Leave me alone, Karen.” Tumayo siya para itulak itong paaalis.             “Sige na. I don’t want you to be alone-”             “Shush! Go!” Pinandilatan niya ito.             “Alam mo, pamisteryosa ka e. May sikreto ka ano?”             “God, Karen. Ang kulit mo.”             Tumawa ito. “Sige na nga. Aalis na ako pero babalikan kita mamayang gabi sa apartment mo. Magbihis ka ha? Magpaganda. Susunduin kita at lalabas tayo.” Tsaka ito tumakbo pabalik sa puwesto.             Naupo siya sa harap ng mga tinatahing sarong. Tiningnan ang mga kalyo at sugat sa kamay na natamo niya sa dalawang taong dulot ng pananahi. Hand-sewn ang trademark ng kanyang mga produkto, customized, kaya naman mabenta iyon dahil personal ang inihahatid niyang mensahe.             Carmella Resort is the place where she found solace after leaving her city life. Its been two years since then. She has a new name, a new identity so that no one could trace her anymore. This is her life now. And she’d like to stay this way.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD