ABBIGAIL had a bunch of back orders. Maraming turista at bakasyunista ang dumarayo ngayong buwan ng bakasyon sa paaralan kaya naman kumuha siya ng ilang makakatulong sa kanya sa pananahi ng mga sarong.
“Ate Abbi, mayroon pa ba tayong kulay nitong sinulid?” Sabay pakita sa kanya ng halos ubos ng rolyo ng dark purple thread.
Nginitian niya ang part-timer sewer niya, si Lira, nasa early twenties. Kumukuha ng bokasyong sewing and tailoring sa bayan. Dahil gustong makakuha ng real experience, namasukan sa kanya habang bakasyon pa dahil nagustuhan nito ang kanyang disenyo. Sinubukan niya itong turuan at madali namang natuto.
“Oo, nasa sewing room, sa tokador.” Tukoy niya sa maliit na silid kung saan nakatago ang mga tela at kagamitan niya sa pananahi’t pagdidisenyo.
“Kunin ko na, ‘te?”
“Sige, salamat Lira ha.”
“Walang anuman po.” Ngiti nito bago tumalikod para kunin ang sadya at magpatuloy sa ginagawa.
Kinuha niya ang mga natapos ng sarong, sinuri. Iba’t -bang disenyo at puwedeng ibahin sa pagsuot depende sa may gusto. It can be a skirt, dress, scarf, head cover, purse bow, bikini cover, anything. May iba’t ibang palamuti din siyang tinda, printed shirts for souvenir, at kung ano-ano pa na may kinalaman sa Carmella Resort at sa dark sand ng beach kung saan ay mas kilala ang resort.
Nakangiting inilagay niya ang mga iyon sa plastic bags na may logo at impormasyon ng kanyang tindahang Sarong and more. Wala man siyang pera nang mapadpad dito sa Santa Ana, Cagayan, mayroon naman siyang sariling alahas na regalo sa kanya ng mama niya. Isinanla niya iyon at ginawang puhunan para sa maliit na tindahan.
“Ate Abbigail, heto na ho iyong mga printed shirts. Ang gaganda naman ng mga drawing ninyo sa mga butterflies ‘te.” Bungad ng isa pa niyang tauhan na part-timer din na si Maya, estudyanteng katulad ni Lira.
“Salamat. Pahanginan mo muna sa labas para mabawasan ang amoy ng mga tinta. I-hanger mo sa harapan para makita na rin ng mga dumaraan.”
“Sige ho.” Sumunod agad ito.
Naisip niya si Karen, hindi siya nito pinuntahan ng tatlong araw, marahil ay nagtatampo dahil hindi niya ito pinaunlakan nong araw ng mga puso na samahan sa date nito. Nailing at nangiti na lang siya. Baka abala lang ito sa mga parokyano ng hotel kaya hindi na lang niya iyon pinagtuunan pa masyado ng pansin.
~ ~
“DAD, would you like to stay in the rest house or here in one of the hotel rooms?” agaw ni Jamin sa pansin ng ama nang matapos ang pagsasayaw ng mga entertainer ng hula-dance.
Nakangiti ito, nasisiyahan sa mga palabas at pagtanggap na ginagawa ng mga tauhan ng resort at hotel. Nilingon siya matapos pumalakpak.
“I’d like to stay in the the rest house where your mother’s memories were kept.”
Jamin hardened his jaw. He respects his father so much. He knew how much love his parents shared, and even after the death of his mother thirteen years ago, his dad remained faithful til’ to this day at the age of fifty-seven. He never re-married and was not planning to.
Tumayo siya. “I will walk with you to the rest house.”
“No, son. I know this place. I love this place because of your mother. I can find my way even with my eyes closed. Go and enjoy the resort. You need it more than I do.” Saka ngumisi na parang may nais ipakahulugan.
“Dad.” Umiwas siya ng tingin. Tumawa naman ito.
“Come on, son…the night is still young for you. Have fun.” Saka ito tumayo at iniwan na siya.
Napa-iling na lang siya. Sobra-sobra ang respeto at paghanga ang mayroon siya sa ama. Katangiang hindi niya nakuha. Kung gaano kahaba ang pisi nito, siya namang ganoon kaikli ang sa kanya. Nangiti na lang siya sa sarili.
It appeared that this place is still doing very well. Hindi nagkamali ang ama niya na ipagkatiwala ang pamamahala ng resort sa matalik na kaibigan ng yumao niyang ina.
Lumapit ang isang babae na naka-suot ng sarong dress. Matangkad ito, at tumingkad ang kagandahan sa morena nitong kutis. Malayang nakalugay ang mahaba at itiman nitong buhok, nakangiting bumati. “Magandang gabi, Mr. Alejandro. My name is Karen Avienido, and I believed we’ve met earlier when you just got here.”
“Yes, of course. You’re Mr. Avienido’s daughter, the director of the hotel, is that right?” Nakipagkamay siyang muli sa babae.
“Yes. Your mom was my father’s first love, but she fell love at first sight with your father.” Sabay ngiti nito ng walang halong anumang malisya.
Tumawa siya. “Yeah, that’s right. I remembered my mother telling me that. At kung gaano kabait ang iyong ama kaya nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan kahit pareho na silang kasal at pamilyado.”
“I hope you and your father have enjoyed the night, Mr. Alejandro. Nakita ko siyang umalis na.”
“Yes of course, we did. You can call me Jamin.”
“Sure, Jamin.” Matamis nitong ngiti, na ginantihan din naman niya.
“I can’t help but to notice your sarong, the design is...” naghahanap siya ng tamang salita.
“Magaan? Malamig sa mata? Msarap tingnan? Maganda?” suhestiyon nito.
“Yes. Malamig sa mata. It’s beauitiful.”
“Siyempre. My friend designed it herself. May tindahan siya sa harapan ng hotel, Sarong and more ang pangalan. Her name’s Abbigail. I’m sure may magugustuhan ka, saka panregalo na rin para sa asawa o girlfriend mo, alinman sa dalawa mayroon ka, o baka naman wala pa, sayang at taken na ako e.” Sabay kindat.
Natawa siya. Gusto niya ang ugali nito, carefree, prangka, walang pagkukunwari sa katawan. “Well, I’m…married.” Sabay pakita ng singsing sa daliri niya.
Napamulagat ito. “Wow. I’ve never seen a man who is so proud that he’s married. Sayang, muntik na kitang naireto sa kaibigan ko, the designer of this sarong. Hindi siya man-hater, pero takot yata sa salitang love. You must love your wife so dearly. She’s lucky. Like father, like son.”
Saglit siyang nanahimik. Ipinamulsa ang mga kamay sa blue jeans na suot. Iginala ang paningin sa paligid.
“Anyway Jamin, I know you were born here, but a lot of things had changed since your family left the place. I can tour you around. May bagong underwater coral reeves cave na natagpuan sa gitnang dagat. It’s safe to dive in. Magaling akong lumangoy.” Ikinampay pa nito ang mga braso para ipakita sa kanya.
“Sure. I’ll let you know.” Nagpakawala siya ng malalim na hininga. “I think I will take a walk at the seaside.”
“Ay sige. Masarap maglakad sa gabi. Hindi ko na iisa-isahin ang mga features ng resort, alam ko namang alam mo na ang mga iyon.”
Ngumiti siya. “Salamat Karen.”
“Oh, the pleasure’s mine, Jamin.” Ngiti rin nito bago na siya iniwan.
Lumabas na rin siya ng hotel para maglakad sa tabing dagat. The soft breeze was nice. The dark sand was cold but just right to his barefooted feet. Iniwan niya ang sapatos sa may upuang kahoy at ginustong magpaa sa paglalakad. Hinangin ang mukha niya at maluwang na kamiseta.
He used to run here, while his mom was picking up empty shells. Those were the days, old memories but one of his happiest.
Mayamaya’y huminto siya sa paglalakad, lumingon sa pinanggalingan. Napa-iling siya dahil napalayo na pala siya. Luminga siya paligid. He appreciated the the torch lights that were lined up along the sides. Kahit paano ay hindi madilim para malaman niya kung nasaan na siya.
“PAALAM na ho ate Abbi.”
Narinig niyang tinig ng babae. Tumingin siya sa maliit na nipa hut, at nakita ang dalawang babaeng nasa pintuan, paalis.
“Aalis na rin ho ako, ate Abbi. Sasabay na ako kay Lira.” Tinig pa ng isa sa dalawa.
“Sige! Mag-iingat kayo ha. Maaga rin kayo bukas para marami tayong matapos!” Narinig niyang tinig na mula sa loob ng kubo.
“Oho ate.” Magkasabayang sagot ng dalawang babae saka na umalis.
Napansin niya ang nakasulat sa gilid ng kubo – Sarong and more…, bago namatay ang ilaw sa dako niyon.
Ah, it’s the store that Karen was talking about, he whispered to himself.
Saka nag-ingay ang pinto nang bumukas iyon, at lumabas ang isang babaeng matangkad. Bigla tuloy siyang na-curious dahil na rin sa sinabi ni Karen kanina tungkol dito. Nakasindi pa rin ang ilaw sa itaas ng pintuan nito kaya naaninag niya ang itsura nito.
Kulot ang mahabang buhok. May suot na bilugang salamin sa mga mata. Mahaba ang suot nitong palda o bestida yata, hindi niya matanto, saka binalutan ang mga balikat ng sarong. Nagpalinga-linga ito matapos ma-i-lock ang pinto, pero natigilan nang makita siya.
Naroon na rin lang siya, nilapitan na niya ito. Hindi niya alam kung tama bang tumalikod na lang o magpakilala ba. But for sure, there will be a chance that Karen may introduce them to each other, and he does not want to appear rude if that happens. Kaya mas pinili niyang magpakilala na lang.
Nanatili ang pagtitig sa kanya ng babae. Hindi kumilos. Hindi umiwas.
“Hi.” He voiced out. Nakaharap na rito.
But she…she remained focus on his face, as if she saw a ghost.
“Hm…Abbigail, right?”
Umatras ito, pero dahil mukhang tuliro yata, natapilok ito sa paso ng halamang nasa gilid ng pintuan. Nawalan ito ng balanse, pero mabilis niyang nahablot ang kamay nito saka hinilang palapit sa kanya.
Arm supporting her back, face towering hers, her side on his stomach, Jamin had a good view of her face. Nahulog ang salamin ng mga mata nito, kaya naman malaya niyang napagmasdan ang kabuuan ng itsura ng babaeng tangan.
“R-Rose Ann?”
Mabilis nitong itinayo ang sarili. Itinulak siya’t marahas na kumalas sa kanya. Tatalikod sana ito pero muli niyang hinaklit ang braso nito. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang dumapo ang malakas na sampal sa kanyang pisngi.
“Don’t touch me!” Mahina, subalit mariing bigkas nito.
“Rose Ann-”
“My name is Abbigail, Abbigail Rose. Please, get off my porch and leave me alone.”
“Wait!” Humabol siya nang humakbang itong palayo.
Humarang siya sa dinaraanan nito. “It’s you. I know it is you, Rose Ann.”
“Wala akong pakialam sa alam mo. Ang alam ko, inaabala mo ako sa pag-uwi ko. Bitiwan mo ako at huwag mo akong susundan.” Muli sana itong hahakbang pero muli lang siyang humarang.
“So, this is where you were hiding for these past two years. It’s a small world after all.”
“Ano ba! Ano bang problema mo? Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko, hindi kita kilala!”
“But I know you. So perfectly well from head to toe, angel.”
Naningkit ang mga mata nito. Bagay na hindi niya nakita noon sa reaksiyon nito. She was not as transparent as this as she was before. Wala rin ang ngiting madalas na nakikita niya. Gusto niyang isipin na mali nga siya. Pero hindi niya kayang balewalain ang malakas na hapyo ng kanyang damdamin.
Lumihis ito ng daan para maka-alis pero humarang lang uli siya. “I know a way to make you admit that it’s you, Rose Ann.”
Kinabig niya ang batok nito. Nanlaki ang mga mata nang makitang lumapit ang kanyang mukha sa mukha nito.
“No!” Nagpumiglas ito pero huli na dahil naidikit na niya ang labi sa labi nito.
Sinamantala n’ya ang pagka-awang niyon, ipinasok ang dila saka sinipsip ang ibabang labi. Rose Ann would always accept him, in whatever messed up situation they were in. And she gave in, as always. He smiled, knowing that he was right. Pinakawalan niya ito, tumigil sa paghalik.
Walang ngiti, at galit ang reaksiyong bumungad sa kanya. “Poor Rose Ann… to think that the only way for you to make her remember you is through by force. Kaya siguro siya umalis dahil ganyan kaliit ang pagtingin mo sa pagktao niya. And poor you…because that’s the only thing you know for her to come back to you.”
Sumugat sa damdamin niya ang bawat katagang sinabi nito, animo latigo na nag-iwan ng mahahapding latay sa kanyang katawan.
“Hindi ako si Rose Ann. Hindi kita kilala. Hindi ako…ang asawa mo.” Tumalikod na uli ito. Nakaka-ilang hakbang pa lamang ito’y nang magsalita siya.
“You are my wife.”
Hindi ito lumingon, pero tumigil sa paghakbang.
“I know every mole that was hidden in your skin, particulary the one on your wrist bone.”
Napansin niyang gumalaw ang ulo nito, nakatalikod man, alam niyang tiningnan nito ang tinutukoy niya. Narinig niya itong napa-ismid.
“Hindi lang ako ang may nunal sa pulsuhan.”
“Pero ikaw lang ang palaging nakapupukaw ng aking atensiyon, angel.”
“Hindi Angel ang pangalan ko!” Marahas itong humarap.
Napangisi siya. “There you are…I found you.”
Bumuka ang bunganga nito, pero hindi nasabi ang ibig sabihin. Sa halip ay mabilis itong tumalikod at tumakbo palayo.
Hindi siya sumunod, hinayaan lang itong makalayo sa kanya. She can’t go anywhere anymore. It’s not going to be easy to leave him again.
I found you, my Angel…And a smile pasted on his lips.