Chapter Sixteen – The Impossible Feat

2370 Words
ABBIGAIL tried so hard to sleep that night, but her mind was busy thinking of that guy. What a brute! What a nerve! Ang kapal! Humapyo ang dibdib niya sa sobrang inis. Bumiling sa pagkakahiga para umiba ng puwesto.             Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? Paano niya akong nahanap? Paano niya akong nakilala? Umiling siya pagkatapos. Nasanay na siyang kausapin ang sarili ng mag-isa.             Malalim na ang gabi. Kailangan pa niyang magising ng maaga kinabukasan dahil marami silang orders sa tindahan. Nahihirapan man, pinilit niyang alisin ang imahe nito sa kanyang isipan.               “MAGANDANG umaga ate Abbi.” Magkasabayang bati nina Lira at Maya pagdating niya sa tindahan. Naghihintay ang mga ito sa harap ng pintuan.             Ngumiti siya’t bumating pabalik, saka binuksan ang pinto. Nagsimula na silang ituloy ang naudlot na gawain kahapon. Hindi pa man nagtatagal ay nakita na niya ang papalapit na si Karen, nakangiting umupo sa harapan ng kanyang working table.             “Good morning, friend!” Matamis at masigla nitong bati.             Dahil nahawa, napangiti na rin siya.             “Ang ganda ng sikat ng pang-umagang araw, ang sarap damhin sa balat.” Lumanghap ito sa hangin. “Hmm, ang sarap talaga ng hangin dito sa atin. Natural na natural.”             Tumango siya sa pagsang-ayon.             “I’ve met Carmella’s and Jaime’s son by the way, and OMG, ang g’wapo, as in parang tumalon lang sa magazine ng The Sexiest Man Alive.”             “Ows? Talaga?” Hindi niya tumitinging sabi.             “And you know what, I like him. I mean, hanga ako sa kanya kasi hindi siya katulad ng ibang kalalakihan na itinangging kasal na sila, sabay pakita ng singsing na suot. Katulad ni Jaime, Jamin also loves his wife so much! Kainggit naman!” Kinikilig nitong kuwento.             Doon lang siya nag-angat ng mukha para tingnan ang kaibigan. “Iyong…asawa, modelo yata, ‘di ba?” Ayaw man niyang aminin, nakaramdam siya ng kurot sa puso.             “Hindi ko rin alam, kaya ni-researched ko kagabi dahil sobrang na-curious ako kung sino man ang masuwerteng babaeng nakabingwit sa puso niya. I knew he would not marry someone ordinary, but OMG! To have Rose Ann Romero for a wife? Pareho lang silang masuwerte. Ang ganda kaya ni Rose Ann. At ang bait pa.”             “What? T-they are still married?”             “Oo, ayon sa huling balita, iniwan ni Rose Ann ang limelight para ibuhos ang buong atensiyon sa asawa niya. O ‘di ba, ang sweet nilang pareho. Kayang iwanan ang lahat para sa kanilang mahal.”             “A-anong ibig mong sabihin?”             “Jamin and I chatted last night. He was planning to stay longer here. Narito pala silang mag-asawa para sa kanilang naudlot na honeymoon. OMG! I can’t wait to meet Rose Ann in person. Idol ko siya!” Nagtatalon ito na parang bata. Kumislap ang mga mata sa sobrang kasiyahan.             “Teka nga.” Napatayo na siya. Parang may mali sa mga naririnig niya. “Sinong nagsabing narito ang…si Rose Ann?”             “Jamin did. Mukhang nagtatampo raw ang asawa niya kaya narito siya para manuyo. O ‘di ba, to the higest level ang ka-sweet-an niya? And oh by the way, Jaime will be hosting a party for the resort’s anniversary in his rest house, everyone’s invited, including you.” Sabay turo sa kanya.             “A-ayoko-”             “I know you would say that. Hoy babae ka, parte ka ng Carmella Resort kaya may obligasyon kang makisama sa amin. Kurutin kita sa singit e.” Inismiran siya nito.             “Pero Karen-”                         “IT’S alright Karen, I will convince her.” Sabay pa silang napalingon sa nagsabi niyon.             And there’s Jamin, standing at the door, looking so refreshed, smiling as if everything was doing alright. She just started hating his guts. Ang yabang!             “Jamin!” Mabilis na tumayo sa kinauupuan si Karen at nilapitan ito. “You really came down here.”             “I actually met your friend last night.”             “Ows?” Sabay lingon ni Karen sa kanya, nakataas ang isang kilay, nanunudyo.             Pagkuwa’y muling bumaling kay Jamin. “Ikaw Jamin ha, may asawa ka na. Kahit available ang kaibigan kong ito, at guwapo ka, hindi p’wede. My friend deserves to be happy especially when she does not even know how to be loved.”             “Karen!” pinandilatan niya ito.             “Oh, I’m not flirting with your friend…just to my wife.” Matiim ang mga matang tumitig si Jamin sa kanya.             Gusto niya itong batukan.             “Ahm, what?” Nalilitong nagpapalit-palit ng tingin si Karen sa kanilang dalawa ni Jamin.             “I said, I’m here for my wife.” Nanghahamong ngiti nito.             “Your…wife?” Napatingin sa kanya si Karen, nakataas ang kilay, nagtatanong. “Rose Ann is your wife.” Dagdag pa nito, na parang ipinapa-alalang hindi siya si Rose Ann.             “Yes, and I’m facing her right no-”             Hndi na nito natapos ang sinasabi dahil tumama sa noo nito ang isang rolyo ng sinulid, bago pa kaya naman mabigat at makapal pa iyon. Hindi na siya magtataka kung napasigaw sa sakit si Jamin at nag-alala si Karen na dinaluhan ito.             “Blood! Oh my god, you’re bleeding Jamin!” Natarantang hindi mapakali ang kaibigan.             Sabay pa ang mga itong napatingin sa kanya, si Karen na nagtataka, at si Jamin na nakaknuto ang noo. Pero sa halip na matakot, tinaasan lang niya ito ng kilay. “Now, get off my porch you dimwit. This is a place for business and I don’t have any business with you.”             “Abbigail!” saway ni Karen, hindi makapaniwala sa kanyang inasal.             “You little punk.” Kibot ng mga labi ni Jamin. “You want business, I will give you business.” Lumapit ito sa kanya.             Natarantang napa-atras siya, umalis sa kanyang puwesto at nilayuan ito. “Get off my property!”             “Let me remind you that my father owned this place.”             “Well…” Naglikot ang mga mata niya, nag-iisip ng masasabi. “Let me remind you that I have been a good tenant and I pay my dues faithfully.”             Lalong kumunot ang noo nito. “Come here, Rose Ann.”               “Rose Ann?” singit ni Karen.             “He’s crazy!” Baling niya sa kaibigan.             “Hmm…I think he is. Ang layo mo kay Rose Ann sa itsura pa lang.” Kay Jamin naman ito lumingon.             “But she is. And she’s my wife.”             “I am not! Baliw kang sira ulo ka.” Sinigawan niya ito.             Natigilan lang sila nang may pumasok na isang grupo ng tatlong babae, mukhang mga college students na nagbabakasyon.             “OH MY GOD! It’s Jamin Alejandro! It’s realy him!” tili ng isa sa mga babae, na sinundan pa ng dalawa nang masino nga ang nasa harapan ng mga ito.             Biglang naghugutan ng mga cellphones ang mga ito at basta na lang kumuha ng litrato ni Jamin. Pumasok pa sa loob at basta na lang tinabig si Rose Ann na nakaharang sa tapat ni Jamin.             Nasaladsad ang likuran ni Rose Ann sa estante ng mga display niyang paninda. Nasaktan siya lalo pa’t tumama ang ulo niya sa matigas na kahoy sa ibabaw nito.             “Rose!” Mabilis na kumilos si Jamin at nilapitan siya. Agad nitong sinuri ang kanyang likuran at ulo kung may sugat siyang natamo. “I-I’m fine.” Tinabig niya ang mg akamay nito.             “Ladies, you have to watch out what you’re doing. You almost killed my wife.” Iritadong baling nito sa mga dalaga.             “Wife?” Nagtinginan ang mga ito, hindi makapaniwala sa narinig lalo pa’t pinakatitigan mula ulo hanggang paa ang tinukoy. “Are you cheating on Ms. Rose Ann?” magkasabayang sabi na napalitan na ng galit ang mga tinig.               “Apparently, she’s Rose Ann.” Sumingit na rin si Karen.             “Be careful next time.” Muling giit ni Jamin.             “She is not Ms. Rose Ann!” sigaw ng pangalawa sa mga dalaga.             “Of course she is not! That woman is…hideous.” Taas ang kilay na sabi ng ikatlo sa mga ito.             Nakukulili na sa mga naririnig si Rose Ann. Sumasakit ang ulo niya lalo’t hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.  Itinulak niya si Jamin palabas, gayon din si Karen, at sumunod ang tatlong dalaga. “Now, listen to me and listen good. My name is Abbigail Rose. Kuha n’yo? Ngayon, isiksik ninyo sa utak ninyo para hindi na kayo mamilit sa gusto ninyong paniwalaan. Get off my porch, all of you!”  Saka siya tumalikod. Isinara pa niya ang pinto na laging nakabukas para sa mga parokyano niya pero ngayon ay nakasara na muna. Nanggigil na hinarap niya ang naudlot na tinatahi kanina. Namimintig ang sentido sa kirot pero pinili na lang niyang huminahon na muna.   “ATE Abbi, ayos lang ho kayo?” Nilapitan siya ni Maya. “O-oo. Medyo sumasakit lang ang ulo ko. Pakuha naman ng gamot sa may tokador sa sewing room, nasa medicine box. “Sige ate, saglit lang.” Tumalikod ito. At nang bumalik ay dala na nga ang isang tableta ng gamot para sa p*******t ng ulo. Dinalhan na rin siya nito ng isang basong tubig. “Salamat Maya.” Nakaramdam siya ng pagka-alinsangan sa katawan kaya itinali niya ang buhok. “Mukhang napagkamalan ka ni Mr. Alejandro na asawa niya. Kamukhang-kamukah n’yo kasi si Ms. Rose Ann kapag hindi natatabunan ng salamin at buhok ninyo ang inyong mukha.” Maingat na pagmamasid nito. “H-ha? Talaga?” Mabilis niyang kinuha ang salaming nasa ibabaw ng mesa at isinuot iyon. “May kailangan ka pa ‘te Abbi?” Ngumiti lamang ito. “Wala na. Salamat.” Tsaka na ito umalis para bumalik sa ginagawa. Nang mapag-isa, naisip niyang sadyang napakalakas ng impluwensiya nina Jamin at Rose Ann dahil hanggang dito ba naman sa Cagayan ay kilala sila. Pero ang ipinagtataka niya ay ang mga ikinikilos ni Jamin. Kung maka-asta ito ay parang close sila. Bakit ba ipinagsisigawang asawa siya nito? He must be really crazy. Ilang oras pa niyang inabala ang sarili sa ginagawa hanggang sa sumuko na siya dahil hindi siya makapag-concentrate. Kaya naman kahit alas-kuwatro pa lang ng hapon ay minabuti na niyang umuwi at ipinagkatiwala kina Lira at Maya ang tindahan.   HINDI naman mainit ang klima ngayong araw pero natutuyot ang lalamunan niya. Binuksan niya ang ref at nagmamadaling uminom ng malamig na tubig na nasa babasaging lalagyan, hindi na siya gumamit pa ng baso. Nabigla siya nang may kumatok sa kanyang apartment. Si Karen lang ang bumibisita sa kanya, at hindi ganitong oras kung pumarito ito. Pumunta siya sa sala para pagbuksan ng pinto kung sino man iyon. Pero sana pala ay sinilip muna niya sa bintana kung sino iyon bago niya binuksan ang pinto. Pero huli na, nasa harapan na siya ng lalaking ito. “Hi angel.” Sabay ngiti. Isasara niya sana ang pinto pero mas mabilis nitong itinulak iyon at basta na lang pumasok. “Really? Where’s your manner? I did not invite you in.” Naiinis niyang sita. “That’s why I came in.” “Jerk.” Bulong niya. Sa halip ay ngumisi lang ito at prenteng umupo sa isa sa mga sofa sa kanyang sala. “Thanks to you.” He seemed to be enjoying all of this. “What do you want?” Oh! Now he’s staring at her again. How rude. “I don’t invite guests in my place, especially someone like you.” “I like to hear that. That no one else has ever come here before me.” “I said, especially someone like you, baka nakakalimutan mong idagdag.” “Like me…you mean…your husband?” “Oh freaking you! Kahit kailan ang galing mong mang-asar.”  “Really? You still remember.” Lumuwang ang pagkakangiti nito. Shit! Kinagat niya anglabi. “Maka-aalis ka na.” “I just got here.” “And like I said, I do not welcome you.” May hinugot ito sa bulsa ng suot na pantalong itim na maong. Inilapag iyon sa mesang nasa harapan nila. “A-ano iyan?” “Your ring. I want you to take it back. Wear it again.” “Are you crazy? Or are you just plain stupid? Why do you keep insisting that I am your wife?” Inisang hakbang lang nito ang pagitan nila, at ngayon ay halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. “Because you are, my angel. You are…” he softly whispered, while his hand was sliding to her shoulder down to her arms. Itutulak sana niya ito pero nauna nang pumulupot ang braso nito sa kanyang baywang at hinapit pa siyang lalo palapit. Naramdaman niya ang p*********i nito sa kanyang puson. Napasinghap siya! Pinandilatan ito. “f**k, Mr. Alejandro…get off me.” Natitilihan na siya. “I know you still want me as much as I want you. I miss your warmth…your skin against mine. You have no idea how much the image of your alluring nakedness stilled in my mind for the past two years. I almost thought you were just a pigment of my imagination if not for your father’s constant visits in my office, angel.” Abbigail’s mind and heart were not in sync, not before, and not today either. They always go against each other. Lalo pa’t ang bawat bulong ng mga salita ng lalaking ito ay nagpapakiliti sa kanyang pandinig. “I want you so much. Lalo na ngayon.” “Bitiwan mo ako, please?” “Rose An-” “Abbigail, Mr. Alejandro. Please, let go of me. I am not your wife…anymore.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD