THE night was not kind to Jamin. He was body-tired but not sleepy at all. Sigurado na siyang si Rose Ann si Abbigail, hindi man diretsahan ang pag-amin, sinabi na rin nito.
I am not your wife…anymore.
Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Napabuntung-hininga siya. Hindi niya inaasahang dito makikita ang asawa. Hindi rin niya inakalang aakto siya katulad nang mga nangyari kanina. Akala niya’y katulad noon, magkahalong inis, galit ngunit paghanga rin ang mararamdaman niya kapag nagkita uli sila, pero…
Bumangon siya’t naupo sa kama, isinandig ang likuran sa headboard. How stupid of him to not realized that the girl he and his friend betted on in college was her? That she knew all along that she was just a bet, and that she heard everything he said.
Tumayo siya’t pumunta ng kusina. Kumuha ng beer na nakabote sa ref, binuksan at saka tinungga. Lumabas siya sa harapan-bahay, naupo sa rocking chair na gawa sa rattan at hinayaan ang masarap na dapyo ng hangin na humalik sa kanyang balat. Masarap din sa pandinig ang ingay ng mga alon at tubig na sumasalpok sa mga bato at buhanginan.
Was he too late? Hindi na ba siya mahal ni Rose Ann? E siya…mahal na nga ba niya ang asawa? Bakit hindi siya pumirma sa annulment paper? Bakit itinago niya ang singsing? Bakit hinanap pa niya ito? Ah…mga katanungang hindi niya kayang sagutin mag-isa.
Inubos niya ang iniinom na beer. Rose Ann’s eyes are what captivated him the most, the way she looked at him. She changed back to her old self. Hindi na ito ang Rose Ann na nakilala niya, nakasiping, at hinangaan. Pero nagbago man ang pisikal na panlabas nito, nanatili naman ang panloob na damdamin, na lalo pa ngang lumala ngayong nakita niya itong muli.
Nang makita niya ito noong isang gabi, aaminin niyang sobra siyang nasabik. Pero nakadistansiya na ang asawa sa kanya. May pader na iniharang sa kanilang pagitan. At kung paano niyang titibagin iyon ay hindi pa niya alam.
Basta sa ngayon, napupuno ang dibdib niya sa sobrang pananabik na muli itong makita. At ngayong nakita na niya ito, mas lalo pa siyang nasabik na muling madikit sa katawan nito, maramdaman ang init ng balat, at masamyo ang pinong halimuyak na nakadikit na sa katawan nito.
Dahil sa naiisip, nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan. Two years…he buried himself into working his ass off. He had suddenly forgotten how to pleasure himself. Naburo siya sa loob ng dalawang taon at ngayong nasa harap niyang muli ang asawa, saka lang uli siya nakaramdam ng matinding makamundong pagnanasa.
“s**t!” Halos magdeliryo siya sa imahe ng asawang hindi naaalis sa kanyang isipan.
“s**t!” Ulit niya nang makita sa katawan ang resulta niyon. He’s as hard as a rock.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang asawa. Naka-ilang ulit lang na nag-ring ang cellphone nito, hindi sinagot ang tawag niya. “Come on, angel. Answer the phone,” bulong niya sa sarili.
Nang wala pa ring sagot, nag-composed na lang siya ng mensahe para ihatid.
“Are you awake angel? Please answer my call.”
“I miss you. I really want to see you. Please let me see you.”
“Rose Ann, I want you. I’m at my limit. I’m going crazy thinking of you.”
But the messages were not read. She didn’t even bother to open them. He quickly went to the shower room and put the water into the coldest level. He went under the water, washing his lust away, but his hardness was begging to be stroked, needing to be released.
“Rose, ah…” he moaned when his hand touched his sensitivity. His mind clouded with delirious feelings of wanting to feel his wife again.
“Oh, f**k…damn.” He could almost feel his wife’s tender fingers claspings his hardness, stroking its length, putting it in her mouth.
“God! Yeah…oh angel!” Napalakas na niyang ungol, nawawala sa sariling huwisyo dahil sa sobrang pagkadarang. “I miss you! Please comeback, oh s**t!” naramdaman niya ang papalapit na pagsabog ng kasiyahan.
Halos mangisay siya. Nangininig sa idinulot niyon. At nang sumabog na siya, naisigaw niya ang pangalan ng asawa, nananabik na muli itong makapiling ng totoo at hindi puro sa imahinasyon lamang.
Naisandig niya ang noo sa dingding, hinahabol ang hininga. “s**t…” mura niya nang ma-realized ang ginawa. Pagkuwa’y tinawanan ang sarili. He can’t go on like this. He’s going to get his wife back whatever it takes.
NAKITA ni Abbigail ang mga text message ni Jamin pero hindi niya iyon binuksan. Ayaw niyang tuksuhin ang sarili dahil alam niyang matatalo lang siya. Ayaw niyang bigyan ng rason ang sarili na manghina sa presensiya nito. The more she distances herself from him, the lesser the temptation will be. She deleted all his messages without even reading them. She decided to ignore the familiar feelings in her heart.
Maaga siyang papasok ngayon para mas marami siyang matapos sa tindahan niya. Binuksan niya ang pinto ng apartment para umalis na pero nagulat nang bumungad ang nakatayong si Jamin sa kanyang tarangkahan. Nakangiti. May dalang brown paper bag at dalawang umuusok na kape na nasa disposable cup.
Nawala ang ngiti niya. Napalitan ng pagkalito. Inis. Inirapan niya ito. Pero lumapit ito at ipinakita ang dala.
“Hi, Rose. Black coffee and egg sandwich croissant for you.” Matamis na ngiti.
Kung sa ibang sitwasyon ay baka bumaluktot na siya sa sobrang kilig. Lalo lang siyang umirap. “I don’t drink black. I don’t eat egg sandwich.” Tinalikuran niya ito’t nagsimulang lakarin ang parkingan ng mga tricycle papuntang Carmella Resort.
“I brought my car with me. Ihahatid na kita.” Sabay turo kung saan nakahimpil ang sasakyan.
“I don’t ride with strangers.”
Humabol ito sa kanya at sumabay sa kanyang paglakad. Kumakabog man ang dibdib sa presensiya nito, nagkunwari na lang siyang wala ito roon. Pero mahirap palang magkunwari lalo’t nanunuot sa kanyang ilong ang masarap na halimuyak ng panlalaki nitong pabango, idagdag pa ang pamilyar na amoy nito sa katawan na madalas niyang kasabikan noon.
“I’m not a stranger.” Mahina nitong sabi.
Hindi siya sumagot.
“Rose, I was thinking of you last night.”
“Abbigail.” Pagtatama niya.
“Seeing you again made every blood in my cells boiling with desire. I can’t wait to feel you in my arms once more. I’d like to kiss you right now.”
“Jamin!” God! The nerve!
“What?” Pagmamaang-maangan nito, halata naman sa ngiti ang pigiging pilyo.
“Stop it, will you? Umagang umaga nang-aasar ka.”
“What are you wearing?” Sabay tingin sa kanyang kulay dilaw na mahabang bestida, sleeveless iyon na pinatungan niya ng long sleeves thin ash colored knitted summer cardigan. Nakasabit sa balikat niya ang may kalakihan niyang bag.
“Dress?” sarkastiko niyang sagot.
“You look lovely in it.” Nakangiti lang nitong reaksiyon.
Hindi siya nagpasalamat. Hindi naman niya hiningi ang opinyon nito. Mas binilisan niya ang paglakad.
“Natural ba ang pagkakulot ng buhok mo?”
Wala itong balak na tigilan siya. Hindi siya sanay na ganito ito. Malayong malayo sa Jamin na nakilala niya.
“Oo. E ano ngayon?” Marami kasing nagsasabi na sobra sa pagkakulot ang buhok niya. Pero wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Sarili niya ang opinyon niya at wala siyang pakialam sa kung ano ang tingin ng iba sa kanya.
“They’re cute. Are your eyes bad?”
Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. “Hindi. Gusto ko lang magsuot ng salamin. Hindi ko naman siguro kailangan ang opinyon mo o ng kahit sino kung ano ang gusto kong gawin ko sa sarili ko, ano?” Nasasagad na siya sa sobrang inis.
“No, of course. I just thought you look so adorable. I’ve never seen you like that. Well, I mean after we got married. You were always the sophisticated, cultured, matured, classy woman I know.”
“Well, this is me so deal with it!” Mariin niyang tugon.
“I like it this way. It’s the real you… I love you.”
Naudlot sa hangin ang mga sasabihin pa sana niya. Nagulat sa huling mga katagang sinambit nito. Napa-atras siya. Parang sasabog ang dibdib. Magaan ang pagtitig nito, humihingi ng sagot.
Dahil sa kalituhan, naihampas niya ang bag sa balikat nito. “Stupid!” Natapon nito ang kapeng hawak.
“Aw-aw-aw!” Napatalon ito nang matapunan ng mainit-init pang kape sa kamay.
Nataranta naman siya kaya agad itong dinaluhan at sinuri ang kamay na natapunan. “Napaso ka ba? Masakit? Saan pa?”
Kaya hindi na siya naka-iwas nang mabilis na dumukwang si Jamin at ninakawan siya ng halik sa labi. Maikli lang pero sapat para magpabalik sa kanyang inis.
“You stupid jerk!” Hinampas niya ito pero pinigil iyon ng mga braso nito.
“I miss you, angel.”
“Bitiwan mo ako!”
“I love you.”
“No. Stop saying that.” Binawi niya ang mga kamay. “Stop following me.” Tinalikuran niya ito.
“Rose!”
“Do not follow me or else you wont see me ever again!” At mabilis na nga siyang tumakbo palayo rito.
INIS na ninis na pumasok siya sa tindahan. Nakabukas na iyon at abala na sina Maya at Lira sa ginagawa. Mag-iisang linggo na ito sa resort. Alam niya kung gaano ito kaabala sa kumpanya nito pero heto at sinasayang ang oras dito. Napa-iling na lang siya.
Nagulat siya nang may pumasok na dalawang lalaki sa tindahan. Malalaki ang mga katawan. Nakasuot ng black suits. Alam na niya agad na bodyguards ang mga ito. Nakaramdam siya ng takot. Pamilyar na pakiramdam na nangyari na noon.
Pero napalis ang atensiyon niya sa dalawang lalaki nang sumunod na pumasok ang isang matandang lalaki. Napatayo siya’t napa-atras sa kinatatayuan. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Kinilabutan. Naglikot ang kanyang mga mata, naghahanap ng malalabasan.
“Rose Ann, sweetheart…I finally found you.” Nakangising ani Don Joaquin.
Tumakbo siya papunta sa likuran pero nakaharang na agad ang mga bodyguards nito. Marahas siyang hinawakan sa magkabilang braso, nasaktan siya.
“You can’t run away from me, sweetheart. And I wont let you hide away from me anymore.”
“Bitiwan ninyo ako!”
“Take her in my car. We’re heading back to Manila right away.” Mahigpit na utos nito.
“No! Let go! Ayoko! Bitiwan ninyo ako!” Pagwawala niya. Biglang gumuho ang lahat ng mga pinagarap niya. Sinaniban siya ng matinding takot. Nawalan muli ng pag-asa.
“You deserve my punishment.” Anito.
“Wala kang karapatan! Hayup ka! Bitiwan ninyo ako sabi! Hayaan mo na ako, please! Please!”
“Not until I get every penny I lost since you left, you ungrateful little bitch.”
“Wala akong utang sa iyo. Wala akong dapat bayaran sa iyo. Kung mayroon man, bayad na lahat!”
“Kulang pa! Kahit habambuhay mong pagbayaran, kulang pa.” Nalilisik ang mga mata nito.
“Help! Help me, anyone? Please help me!”
“Scream however you want, no one is going to help you.”
“LET my wife go, Joaquin!” Mabilis na bungad ni Jamin sa pintuan bago pa man siya nailabas.
“Alejandro?” Naningkit ang mga mata ng Don.
Humangos si Jamin sa kanya para bawiin sa dalawang lalaki pero nabigwasan lang ito sa mukha.
“Jamin!” Napatili siya nang makita itong sumaladsad sa dingding.
Pero hindi ito nagpapigil. Mabilis na muling tumayo at sinugod uli ang lalaki. Nakaiwas naman ito nang muling manuntok ang lalaki. Sa halip ay sinipa ito ni Jamin sa puwitan at ito naman ang nasaladsad sa sahig.
Binitiwan siya ng isa pang lalaki at sumugod din kay Jamin, sinipa ito sa likuran. Nauntog si Jamin sa isa sa mga estante ng displays niya. Nasugatan ito sa mukha. Nagdugo. Sinugod ito ng lalaki, ipinulupot ang mga kamay sa likuran habang pilit na itinatayo.
Nakabawi na rin ang isa pang lalaki at mabilis na sinugod din si Jamin na hawak ng kasamahan nito. Painaulanan nito ng suntok sa tiyan, katawan at tinadyakan pa sa baba.
Napasigaw siya. Galt man siya kay Jamin, hindi naman niya maatim na makita itong nasasaktan sa kanyang harapan. “Stop it! Stop! Sasama na ako! Just let him go! Oh god, Jamin. Are you okay?” kinalong niya ang ulo nito. Duguan ang mukha. Hindi na niya napigilan ang luhang tumulo para sa lalaking mahal.
“N-no, don’t go. Stay here with me, angel.” Pautal-utal nitong sabi. Halata ang kirot sa bawat pagbuka ng bibig.
“Oh Jamin…you should have just let me go.”
“I…I can’t do that anymore. I love you, Rose. I mean it.”
“Take her now.” Muling utos ng Don.
“NO! Leave my daughter-in-law and my son alone.” Bungad ng matigas na tinig mula sa lalaking kapapasok lamang sa tindahan.
“J-Jaime.” Nagulat na reaksiyon ni Don Joaquin. Nasa mukha nito ang pag-aalinlangan.
May pumasok pang tatlong lalaki na nakasuot ng damit pang-pulis. Natilihan ang kanyang ama-amahan.
“I’m just here for my daughter.” Paliwananag nito.
“You have cases filed on you, Mr. Romero. Domestic abuse. Trespassing. Assault. Company information leakage and espionage. Drug possession and used, and God knows how many more. I can’t forgive you for hurting my son. You can take him now, officers.” Mahigpit na utos nito sa mga pulis.
“N-no. No!” Pagmamatigas nito habang pinoposasan sa mga kamay. Sinabi ng pulis na nagpoposas dito ang Miranda right nito.
Pinosasan din ang dalawang lalaking bodyguards nito. Hindi na naka-ilag dahil pulisya na ang mga kaharap.
“Rose Ann, tell them to free me. Inuutusan kitang sabihin sa kanila na pakawalan ako!”
May mga dumalo na rin kay Jamin para agapan ito ng first aid. Tumayo siya’t nilapitan ang nakilalang ama. “Ikaw naman ang dumanas kung paanong makulong. Kung paanong walang magawa dahil hindi mo na kontrolado ang lahat. Danasin mo ang lahat ng ipinaranas mo sa akin. Sinira mo ang buhay ko. Kaya wala akong dapat pagbayaran sa iyo.”
“No! You can’t do this. I bought you!”
“Dito na ang katapusan ng anumang relasyong namamagitan sa atin Don Joaquin. I am not a Romero anymore. My name is Abbigail Rose. That’s the real name given by my mother before you changed it to your liking. I have served you enough.” Tinalikuran niya ito.
“Rose Ann! Puñeta ka!”
“Take him away now, officer.” Utos ni Jaime.
Kumilos naman ang mga pulis at inilabas na ang mga ito.