Chapter Eighteen – Let the Hell be Over

2004 Words
“MRS. Alejandro?” Nag-angat ng tingin si Abbigail kahit hindi siya sigurado kung sino ang tinutukoy ng tumawag sa pangalan.             Jaime Alejandro was standing in front of her, with the gentlest smile she had ever seen. Tumayo siya para magbigay galang.             “How are you, my dear daughter-in-law?” Iminuwestra nitong maupo uli siya at nakiupo rin naman ito sa tabi niya.             “J-Jaime-”             “Still addressing me formally, huh?”             “S-sorry.”             “My son is fine. He had a few cuts, but he’ll survive.” Naulinigan niya ang pagbibiro sa tono nito.             Malaki ang paggalang niya sa ama ni Jamin, kaya naman nahihiya siya rito. Minsan lang niya itong nakasalamuha, at iyon ay noong araw na ikasal siya kay Jamin.             “I’m happy to hear that.”             “You changed your appearance. Do you like it?” Kung si Jamin siguro ang nagtanong niyon, baka na-offend na siya. But not with Jaime, she could feel his utmost sincerity in every word and act he does.             “I…I’m comfortable, somehow.” Matipid siyang ngumiti.             Humawak ito sa kanyang kamay. Pumisil. Hindi niya alam kung bakit pero naluha siya. Hindi niya kailanman naramdaman ang ganoong koneksiyon sa kanyang ama-amahan.             “Jamin is a good son, a good person. But I can’t say that he is a good husband to you. I didn’t know what the situation between you and him was but Abbigail…if there is a little bit of feeling you have left for him, don’t let it go just yet.”             Tiningnan niya ang malambot nitong reaksiyon, sadyang nakagagaan ng pakiramdam ang ngiting nakabakas sa mga mata’t labi nito.             “I can see that my son really loves you. And correct me if I’m just mistaken but, you still love him, don’t you?”             Nakagat niya ang labi. Hindi niya maamin iyon kay Jamin sa ngayon. Pero sa harap ng ama nito’y natural na bumuhos ang lahat ng emosyong itinatago niya. Tumango siya sa pagsang-ayon.             Lumuwang ang pagkakangiti nito, napabuntung-hininga. “I’m really happy to hear that. Mali man ang naging umpisa ng inyong kasal, ang mahalaga ay ang mga damdaming mayroon kayo. Gaano man ninyo itanggi ang tunay ninyong nararamdaman, huhulagpos iyon para maipakita ang totoo. He loves you. You love him. What more does a marriage needs? With love alone, you can survive anything, as long as you both have each other’s hand.”             “J-Jaime…”             “Take your time, sweetheart. But don’t make him wait too long. He’s as stubborn as his late mother. He might do a drastic move just to get you back.”             Sweetheart…ilang beses siyang tinawag ng ganon ng ama-amahan, pero ni minsan ay hindi niya naramdaman ang kaginhawaan sa pandinig katulad ng ginawang pagtawag sa kanya ni Jaime.             “Abbigail take your time. And while you’re at it, look around you. Life is short. Why not spend your time with things that will make you happy? You never know, today may be the last day you’ll see the love of your life. Masarap matulog sa gabi nang wala kang sama ng dibdib na dinadala, o lungkot na kinikimkim, o pagsisising dinidibdib.”             Pareho silang nakatingin sa pinto ng silid na kinaroroonan ni Jamin. Nasa ospital pa rin sila.             “I like that you’re my daughter-in-law. I know you have so many goodness in your heart. Don’t be afraid to share that kindness with your true self. You can live freely now so stop running away. Jamin knew all about your adoptive father’s abusive character and what he did to you since you were young.”             Natigalgal siya. Hindi makapaniwala.  May luhang tumulo sa kanyang pisngi.             “He had him investigated. He was a good businessman, but was too greedy that he even did some illegal acts. Everything was revealed when you disappeared two years ago, so…you’re free now.”             Hindi na niya napigilan ang paghikbi. Ang akala niya’y…walang nagmamalasakit sa kanya. Akala niya ay totoong mag-isa lang siya sa mundo at walang ibang magliligtas sa kanya sa pagmamalupit ng ama-amahan. Akala niya’y hanggang panaginip na lamang na maaari pa siyang mahalin ni Jamin.             “Hush…” inalo siya ni Jaime. “Everything’s alright now, sweetheart.”             “T-thank you…so so much.”             “You should thank my son. He did all these just for you.”             Ayaw pa rin niyang maniwala pero alam niyang hindi marunong magsinungaling si Jaime, wala sa karakter nito.             “I’m not getting any younger anymore. I really hope to hear baby laughters in my house in years’ time.” Nakangising kinunotan siya ng noo.             Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha. Natawa ito.             “My, oh my…you sure are an angel. My son is a lucky man to have you.”             “J-Jaime-”             “Dad. I think it’s about time I hear you to say that.”             Nakagat niya ang labi. Jamin surely is a lucky man to have such a loving father.             “D-dad.”             “Now that sounds much better.”             Nagtawanan sila.               “DAD, she’s mine.” Tinig ni Jamin.             Sabay silang napatingin sa pinto ng silid na bumukas. May mga maliliit na band-aids sa itaas ng labi at pisngi nito, at isang gauze sa noo. May mga pasa ito sa mukha pero wala namang nabaling buto sa katawan.             “Oh! Here’s my son. I told you he’s alright.” Sabay kindat sa kanya. “Well son, I’m just guarding her for you. She is too beautiful to be left alone here, she might get snatch away from you.”             Hindi na siya magtataka kung saan nakuha ni Jamin ang kapilyuhan. Jaime is still such a good-looking man at the age of early sixties.             Lumapit sa kanila si Jamin. Tumayo si Jaime para alalayan ang anak pero pinigil ito ni Jamin. “I want my wife to do that, dad.”             “Aba! Deadma na ako ngayong narito na si Abbigail?” Nagkunwang nagtampo si Jaime.             “Dad, where did you learn that kind of language?” Napakunot ng noo si Jamin.             “Kay Karen, nakakatuwa ang batang iyon.” Tawa nito.             Napa-iling si Abbigail. Sadyang makamandag ang pagiging kwela ng kaibigan.             “Love, patulong. Masakit o?” Sabay turo ni Jamin sa labing may band-aid.             She rolled her eyes, could not believe he was acting like that in front of his father.             “I think I’m not needed here anymore.” Ngiti ni Jaime tsaka na nagpaalam sa kanila.             Hindi pa man nakalalayo si Jaime ay mahigpit nang yumakap sa kanya si Jamin. Nagulat man, hinayaan na lang muna ito.             “Tara na, ihahatid na kita.” Inalalayan niya ito sa paglakad, paika-ika ito ng kaunti.             “Saan mo ako ihahatid?” Napansin niyang idinirikit nito ang mukha sa kanyang pisngi.             “Sa inyo.” At inilalayo naman niya ang sarili rito.             “Ayoko sa amin.”             “Saan mo gusto?” Nakalabas na sila ng ospital. Pinara niya ang traysikel na dumaan. Sumakay na sila. “Dali na, sabihin mo na para maihtid tayo ni manong.”             “Sa apartment mo.” Matiim na tingin sa kanya.             “At bakit doon?” nakaramdam uli siya ng inis.             “Para maalagaan mo ako.”             “Hindi puwede. Baka mapag-usapan ako ng mga kapit-bahay ko.”             “E ano naman? Asawa mo naman ang dadalhin mo.” Halatang pinipigilan nito ang ngiting nais sumilay.             “Manong, sa rest house ng Carmella Resort po tayo.” Baling niya sa driver.             “Love naman e.” Mahigpit itong humawak sa kanyang kamay.             “Love? Nakaka-dalawa ka na. You better stop it now.”             “Love.”             Hindi siya umimik. Nagpakawala ng malalim na hininga at umusog palayo rito.             “Love.” Lapit ng mukha nito sa kanyang tainga para ibulong iyon.             Nakiliti naman siya kaya tinampal niya ang mukha nito. Napa-aray ito dahil sa mga pasa sa mukha.             “Ay! Sorry!”             “I don’t accept sorry.”             Naitaas niya ang kilay. “Well, hindi ako namimilit.” Inirapan niya ito’t tumingin uli sa labas ng traysikel.             “I accept kisses though.”             “Shh!” Marahas niyang baling dahil hindi man lang nito ibinulong iyon, narinig tuloy ng driver dahil tumikhim ito, halatang nahiya sa kanila.             “What?” Pagmamaang-maangan ni Jamin.             Napa-iling na lang siya.             “I miss you.”             “Ewan ko sa iyo.”             “I love you.”             “Shush!”             “I want to make love with you.”             “Jamin!” Pinandilatan niya ito. Hindi makapaniwala sa inaakto.             “Again, and again, and again, and aga-”             Itinakip niya ang kamay sa bibig nito para matigil sa pagsasalita. “Shut up, will you?!”             “Not until you bring me to your apartment.” Paputol-putol nitong sagot dahil sa kamay niyang nasa bibig nito.             “M-manong, sa ano ho tayo…” at sinabi nga niya ang address ng apartment niya. Nakita niya ang matagumpay na ngisi ni Jamin. Sobra yatang naumpog ang ulo nito sa gulpihan kanina kaya ganito kung maka-akto ito.               Nauna pa itong bumaba ng traysikel at nakarating sa apartment niya. Hindi masyadong halatang excited. Kinuha nito ang susi sa kanyang kamay at ito na mismo ang nagbukas ng pinto. Ganoon din ang pagsindi ng ilaw sa sala. Mabilis din nitong ikinandado ang pinto pagkatapos.             “Calm down. Jeez…you’re too excited.”             “Of course, I’m finally alone with you.”             “Ops! Don’t get any funny ideas in your head, Mr. Alejandro. I’m letting you in just for a few hours. You have to leave after that.”             “I love you.”             Natigil siya sa gagawin sanang pagbukas sa kurtina ng bintana sa sala. Hindi niya ito nilingon na alam niyang nakaupo sa sofa.             “I miss you so much. I never knew my life was so empty until you left, Rose. Every night I wished you were at home waiting for my return from the office and I always end up sleeping in your room. I didn’t even let the helper wash the bed sheets just so I could smell whatever remnants you have left.”             Hindi pa rin niya ito tinitingnan. Pero bawat pag-amin nito ay naghahatid sa kanyang ng luha…ng kaligayahan.  Hindi niya kailanman inisip na mamahalin din siya nito.             “If I could only kill myself for hurting you. I punched myself for throwing all the nasty words at you. I don’t deserve you, Rose. I don’t even deserve to stand right here and confessing my love for you. I hurt you so deeply and I will understand if you can’t forgive me, but please…just one little chance, I am asking you give it a last time.”             Hilam na siya ng mga luha. Pakiramdam niya ay may mabigat na batong naahon sa kanyang dibdib. Masarap palang marinig na importante siya rito. Na mahal din siya nito. Na may silbi siya sa mundo. Na may karapatan siyang lumigaya, lalo na sa piling nito.             “Rose…please don’t leave me. I don’t want to go through another day without you. I don’t want to live without you. I miss you so much it’s killing me. I can see you like this but can’t even touch you. I want to taste your lips but afraid you’ll run away from me. Please tell me what to do? Please Angel? Don’t leave me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD