Chapter- 1

1656 Words
“Hija, halika lumapit ka at ituturo ko sa’yo ang mga dapat mong gawin.” “Senyora Aaliyah, ako na lamang po ang magsasabi sa kaniya ng mga gawain.” “Huwag na Manang, ako na ang bahala sa batang ito.” “Sige, Senyora, kung 'yon po ang gusto mo.” Tumango na lamang siya sa mabait na ginang, magmula ng mga bata pa ang kaniyang mga anak ay ito na ang kanilang mayordoma. Kaya naman parang ina na niya kung ituring dahil para dito ay anak na rin ang trato sa kaniya nito. Bumaling ako sa nahihiyang dalaga at tinawaga ito. “Sumunod ka sa akin hija at ihahatid kita sa magiging kwarto mo.” “Maraming salamat po, Senyora Aaliyah.” “Walang anuman, anong palayaw mo? O sa iyong tunay na pangalan kita tatawagin, gusto mo ba ang gano’n?” “Ayos lang po kahit anong itawag mo sa akin.” “Okay Savanah, mas maganda kung ‘yan ang itatawag ng lahat sa’yo dito.” “Sige po Senyora.” “Mabuti pang dumaan muna tayo sa kwarto ng aking anak na bunso. Magkasinlaki ang inyong katawan kaya sigurado na kasya sa’yo ang mga damit niya na hindi pa naman nagagamit.” “H-huwag na po Senyora, dahil may mga damit naman po ako ritong dala.” “Wala namang nagsusuot pa ng mga iyon dahil noong isang araw lamang ay dumating na naman galing Paris, ang mga damit niyang limited edition.” Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa Senyora, upang pumasok sa isang pintuan. At halos mamangha siya sa ganda ng silid, para siyang nasa isang fairy tale. “Halika hija, lumapit ka rito at kunin mo ang lahat ng ito pagkatapos ay iyong dalhin sa kwarto mo.” “Senyora, bakit mo po ito ibinibigay sa akin hindi ko naman masusuot ang mga ‘yan.” “Magagamit mo rin pag may gaganaping okasyon kaya tanggapin mo na ang lahat ng mga ito.” Maraming salamat po Senyora.” “Walang anuman hija.” Kahit nahihiya ay kinuha na lamang niya ang lahat ng binigay sa kaniya, kasama pa ang mga bag at sapatos. Pag pasok niya sa okupadong silid ay tuwang tuwa niyang isinukat ang mga iyon at para namang sinadya dahil kasya lahat sa kaniya. Hindi siya halos umaalis sa harapan ng salamin at nananatiling nakatitig siya doon nang may marinig na mga katok. At kahit gusto munang hubarin ang mga kasuotan ay nahihiya naman siyang paghintayin ang taong nasal abas ng pintuan. Kaya nagmamadaling binuksan iyon at nakaramdam siya ng hiya sa klase ng tingin sa kaniya ng Senyora. “Wow! You’re so beautiful, bagay na bagay sa iyo ang suot mo hija.” Napayuko siya sa mga papuri na natatanggap mula sa napakabait na amo, talaga palang may mga tao na mayaman, maganda at mabait pa kagaya na lang ng kaharap niya. Hindi tuloy maiwasang alalahanin ang ina, siguro kung nabubuhay iyon ay nananatili pa rin sila sa barong barong nilang bahay. At ang lasenggo niyang ama ay gano'n pa rin at siya ay nananatiling nakakulong sa apat na sulok ng bahay. Ngunit dahil sa masasamang tao na pumatay sa mga magulang ay nagbago ang kaniyang buhay. Hindi tuloy mapigilan na umiyak, mabuti na lamang at napakabait ng amo niya kaya naman sisikapin niyang magawa ang trabaho na nakaatang sa kaniya. Kahit wala siyang alam sa mga gawain ay pagsusumikapan na matutunan lahat upang hindi naman nakakahiya sa mabait na amo. “Alam kong inosente ka sa lahat ng bagay, kaya naman huwag kang lalabas ng mansion at huwag basta magtitiwala sa ibang tao.” “O-opo Senyora.” “Pag nasanay ka na rito sa mansion at gusto mong mag-aral ay magsabi ka lang hija.” “Mag-aral po?” napayuko na naman siya sa hiya dahil sa edad niyang iyon ay siguradong pagtatawanan siya sa skwelahang papasukan. “Bakit hija?” “Ahm, ano po Senyora malaki na po ako kung papasok pa sa skwelahan.” “Hanggang saan ba ang natapos mo?” “H-hindi po ako nakapag-aral dahil wala po kaming pera, ang nanay ko ay isang labandera lang at l-lasenggo ang aking ama.” tuluyang dumaloy ang luha niya kaya dalidaling tumalikod at pinahiran iyon gamit nag laylayan ng damit na bagong suot pa lamang. Nakakahiyang dahil lang doon ay umiiyak siya sa harapan ng mabalit na amo. Ngunit hindi siya nakagalaw ng may yumakap sa kaniyang katawan, langhap na langhap ang mabangong amoy ng amo samantalang siya ay galing pa sa malalyong lugar at puro alikabok pa ang katawan. “S-senyora huwag mo po akong yakapin dahil marumi po ko at mabaho.” “Don’t say that hija, simula sa araw na ito ay ituring mo akong ina at mula ngayon ay hindi ka na malulungkot pa kaya huwag kang mahihiyang lapitan ako lalo na pag may problema ka okay?” Napatango na lamang siya kahit hindi naiintindihan ang English na sinabi sa kaniya, at dahan dahang kumawala sa yakap nito. “Ayusin mo ang sarili mo at sumunod ka na sa ibaba dahil kakain na tayo.” “O-opo Senyora.” Nakahinga siya ng maayos nang makalabas ang amo, dali daling naghubad at pumasok sa magandang banyo. Grabe talaga ang lahat nang nakikita ng kaniyang mga mata ay puro karangyaan, at kahit isang katulong lang siya ay parang kwarto ng prinsesa ang ibingay sa kaniya. Makalipas ang labinlimang minuto ay nakabihis na siya at nagmamadali nang tumakbo pababa ng mataas na hagdanan. Subalit pagdating sa ibaba ay hindi alam kung kakanan, kakaliwa o kaya naman ay didiretso ng lakad. “Savanah, pinapatawag ka na ng Senyora halika at ihahatid kita doon sa dining room.” “Pasensya na po Manang, dahil hindi ko alam kung saan ang kainan kaya po nakatayo lamang ako dito.” “Ayos lang Savanah, kaya pagkatapos mong kumain ay pasasamahan kita kay Lita, mag-ikot kayong dalawa sa buong mansion at kabisaduhin mo ang mga lugar. Dahil pag dumating ang mga anak ni Senyora Aaliyah ay siguradong uutusan ka ng mga ‘yon.” “Opo Manang, salamat po.” “Lagi kang nagpapasalamat, isang beses lang ay ayos na.” Napatango na lamang siya at tinatandaan ang bawat binibitawan nitong salita, habang nakasunod siya sa ginang ay palingalinga sa dinaraanan. Hanggang pumasok sila sa isang pintuan at napanganga na naman siya sa ganda nang lugar. Subalit nang mapatingin sa mahabang lamesa ay natakam sa mga pagkaing na naroon. “Savanah, maupo ka rito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain.” “S-sige po Senyora,” kahit ang totoo ay nahihiya siya dahil hindi marunong gumamit ng kutsara at tinidor kaya naman hindi niya malaman kung anong gagawin. “Savanah, bakit hindi mo ba gusto ang mga pagkain?” “H-hindi naman po sa gano’n pero maaari po ba na magkamay na lamang ako? H-hindi po ako marunong gumamit ng mga ito,” nakayuko niyang pahayag sa mabait na amo. Samantala ay gustong maluha ng Senyora habang nakatingin kay Savanah, alam niyang galing ito sa mahirap na pamilya ngunit hindi niya kailanman naisip na kahit ang gumamit ng mga simpleng gamit sa pagkain ay hindi nito alam. “Sige, maghugas ka ng kamay mo doon sa lababo at saka ka bumalik dito.” Mabilis ang naging kilos niya at agad na tumayo dahil talagang gutom na siya, tapos ngayon lang makakatikim ng gano’ng pagkain kaya siguradong masarap ang mga iyon. Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa kaniya, nang matapos makapaghugas ng kamay ay bumalik sa kinauupuan at tila nakalimutan na ang paligid. May pagmamadali ang bawat subo niya kahit hindi kilala ang mga pagkain na naroon. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay napabaling siya sa amo, kitang kita niya ang luhaan nitong mga mata kaya agad na tumayo siya at tumakbo sa lababo para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay bumalik sa harapan ng amo at hindi malaman ang gagawin habang nakayuko. “Ahm…p-pasensya na po S-senyora, n-ngayon lang po ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain kaya naparami yata ang nakain ko. Huwag po kayong magalit sa akin hindi ko na po uulitin, p-patawarin n’yo ako… “Savanah, hindi ako nagagalit sa’yo hija.” “P-pero bakit ka po umiiyak, m-may nagawa po ba akong mali?” Kitang kita ng Senyora ang panginginig ng kamay nito at pati ang pagsasalita. Kaya mabilis na hinawakan ito sa kamay at pinakalma. “Shhh, tumingin ka sa akin hija.” Agad na sinunod niya ang utos ng amo upang hindi ito magalit sa kaniya. Dahan dahang nagtaas siya ng mukha at tumingin sa magandang amo. “Huwag kang matakot dahil hindi ako nagagalit kung kumain ka ng marami, kaya ako naiyak ay naalala ko ang sitwasyon ko noong nasa bahay ampunan pa ako. Alam mo bang kapareho mo rin ako noon? At kundi dahil sa mababait na madre ay hindi sana ako nakapag-aral kaya huwag mong iisipin na nagagalit ako sa’yo okay?” “Opo Senyora, salamat po.” “Ganito na lang, pag nakapag adjust ka na rito ay kukuha ako ng magiging tutor mo upang turuan ka sa mga bagay na hindi mo alam okay ba ‘yon?” “Ahm, Senyora h-hindi ko po naiintindihan ang sinasabi mo.” “Oh, ang ibig kong sabihin ay pag nasanay ka na rito sa mansion ay kukuhaan kita ng guro na magtuturo sa iyo.” “Talaga po?” “Gusto mo ba ‘yon hija?” “Opo Senyora upang hindi po kayo mahirapan na unawain ako, at para magampanan ko rin ng tama ang aking mga Gawain.” Ngumiti na lang ang Senyora sa kaniya at tinawag na ang mayordoma. “Manang, pansamantala ay ituro mo lang sa kaniya ang paglilinis ng mga kwarto. Iyon lang muna ang maaari niyang gawin sa ngayon.” “Sige po Senyora.” Matapos niyang magpasalamat ay sumunod siya sa ginang palabas ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD