TIMOTHY "Baby, wear your costume. Please?" malambing na sabi ni Kay sa eight-year-old son naming si Axel. Makulit pa siyang nakipaghabulan dito na para bang hindi siya nakaayos at nakasuot ng gown. She did the chasing with ease. Tinanggal niya pa ang suot niyang heels para makasabay siya sa kakulitan ng bunso naming lalaki. "Mommy, habulin mo ako!" Humagikgik pa ang anak namin at mabilis siyang nagpaikot-ikot sa loob ng kwarto namin ni Kay. "Axel Theodore, isa..." Inumpisahan na ni Kay ang pagbibilang nang makaramdam siya ng pagod sa paghabol kay Axel. Pinagpapawisan na siya kahit na nakabukas naman ang aircon kaya pinunasan ko agad ang noo niya. "Thank you, hon," sabi ni Kay sa akin habang nakatingin kay Axel na nagtatago na ngayon sa ilalim ng kama. "Ang tigas talaga ng ulo niyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books