TIMOTHY "Mataba na ba ako, Timotheo?" rinig kong tanong ng asawa ko habang pinagmamasdan niya ang sarili niya sa full body mirror na nakalagay sa walk-in closet niya. "Hindi naman," nakangiti kong sagot at niyakap ko agad ang malaki niyang tiyan. Nine months na siyang buntis at ano mang oras o araw, pwede na siyang manganak kaya nag-leave muna ako trabaho para mas mabantayan ko siya. Our restau bars can wait, my wife needs me. "Sinungaling!" sigaw niya. Nagulat ako nang bigla siyang umiyak at itinulak niya pa ako palayo. Naging mas sensitive siya simula nang maging buntis siya. Noong mga panahong naglilihi pa lang siya, hirap na hirap ako dahil kung anu-ano ang gusto at ipinapabili niya. Ilang beses na rin akong napalayas dahil naiinis siya sa mukha ko. "Honey, hindi. I am not lying,