Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari sa kanya ang ganito, para siyang isang character sa mga romance novel na napapanood niya. Bukod sa napakaganda niyang wedding gown eh napakaganda rin ng beach wedding set up. Naiiyak nga siya nang makita niya, para hindi naman niya deserve ang ganito kagandang kasal. Buong buhay niya simpleng kasal lang ang na imagine niya dahil alam niyang hindi afford ni Rico na bigyan siya ng engrandeng kasal. Pero iba maglaro ang tadhana. Sino bang mag-aakala na magkakagusto sa kanya ang isang Saavedra, at heto pakakasalan pa siya. "Huwag kang umiyak hija,' bulong ng Mommy niya habang naglalakad na sila sa gitna patungo sa may altar kung saan naghinhintay sa kanya si Garreth. Kasama niyang naglakad ang Mommy at Daddy niya, dahil sobrang pagm

