Wedding Day Ito ang araw na pinakahihintay niya, ang kasal nila ni Garreth sa Saavedra Island. Ilang araw na nga siyang hindi makatulong dahil sa sobrang excited niya sa pinakamagandang pangyayari sa buhay niya. Sa dami na rin ng pagsubok na dumaan sa kanila ni Garreth, nanatili silang matatag. Hinarap nilang magkasama ni Garreth ang lahat ng pagsubok. Lahat ng iyon ay nalampasan nila ni Garreth, dahil may tiwala sila sa isat-isa. Sa ano mang relasyon, tiwala ang pinaka mahalaga. Pag wala kayong tiwala sa isat-isa, madaling masira ang relasyon. Buti na lang at bukod sa pagmamahal nila ni Garreth sa isat-isa, eh may tiwala sila nito sa isat-isa. Kahapon pa sila dumating ni Garreth sa Saavedra Island at kinagabihan naman dumating na rin ang mga magulang ni Garreth kasabay ang Mommy at Dadd

