"Annika, what really happened?' Tanong sa kanya ng Mommy niya nang samahan niya ito sa kusina para mag bake ng cookies. Tumawag na kasi si Garreth sa kanya kanina at nagsabing papunta na raw ito sa bahay nila. Alalang-alala nga si Garreth nang makausap niya kanina sa phone. Paniguradong OA ang pagkasumbong ng Kuya Simon niya rito, para nga naman makapagpabida ang kapatid niya kay Garreth. "Sadya ka bang niloko ng Rico na iyon?" Usisa ng ina. "Mommy, hayaan na po natin si Rico. Nangyari na po ang mga nangyari," she said. Ayaw na rin kasi niyang pag-usapan pa si Rico. Ang mahalaga tapos na sila at malaya na siya. "Tama ka. Ang mahalaga nabisto mo ang panloloko niya sa iyo bago pa kayo maikasal," sabi ng ina sa kanya. "Opo Mommy," tugon naman niya. "Anyway, let's move on. Mas maganda na

