Kinabukasan sunud-sunod na katok sa pintuan ng silid niya ang gumising sa kanya. Mula kasi nang wala na siyang trabaho at sa farm na lang siyang tumutulong ay halos tanghali na rin siya nagigising. Paano lagi din naman siyang puyat sa kaiisip kay Garreth. Mabigat ang katawan niyang bumangon para pagbuksan ang kumakatok sa pintuan. Halos hindi pa nga niya nabubuksan ang kanyang mga mata. Medyo inaantok pa kasi siya. "Good morning Annika!" Masiglang bati sa kanya ng Mommy niya nang pagbuksan niya ito ng pintuan. "Mommy. Good morning po," bati rin niya sa ina na may mahiwagang ngiti sa labi. "Manang halina kayo!" Tawag ng Mommy niya at humakbang papasok sa loob ng silid niya. "Ano pong meron?" Tanong pa niya at napansin ang dalawang kasambahay na papasok sa silid niya na may bitbit ng

