"Will you marry me, Annika?" Rico asked her habang nakaluhod ito sa kanya at may hawak itong singsing. Nagbukas siya ng bibig, pero walang salitang lumabas. Hindi niya alam kung ano sa sasbihin. Nilingon niya ang paligid, maraming taong naroon ang naghihintay ng isasagot niya. At tiyak na mapapahiya niya si Rico kung tatangian niya ito. Mapaphiya si Rico sa harap ng maraming tao nang dahil sa kanya. Panibagong kasalanan na naman niya iyon kay Rico. "Annika," tawag sa kanya ni Rico na marahil nangangawit na sa pagluhod sa harapan niya. Kung bakit kasi ngayon pa nangyari ang bagay na ito. Kung bakit sa ganitong restaurant pa ito ginawa ni Rico. Kung sana iyung silang dalawa lang, di sana napakadali para sa kanya ang tumanggi. Pero sa ganitong maraming tao at si Rico ang mapapahiya once n

