"Mr. Saavedra," bati sa kanya ni Simon na agad tumayo mula sa kinauupuan nang makita siya. "Simon," tanging sabi niya at tinanggap naman ang pakikipagkamay ni Simon sa kanya. Isa si Simon sa nagpapahirap sa buhay ni Annika. Kung pwede nga lang ay basta na lang niya muling itakas si Annika, para mailayo na ito sa mga lalaking manloloko at manggagamit sa paligid nito. "Bakit mo ko gustong makausap Simon?' Tanong niya rito nang makaupo. Marami pa siyang dapat asikasuhin, minamadali niya ang pakikipag-usap kay Simon. "Gusto ko lang itanong kung may namamagitan na ba sa inyo ng kapatid ko?' Tanong nito sa kanya. Hindi niya naiwasang magtaas ng kilay nang marinig ang tinuring nito kay Annika. Kapatid. Eh hindi ba't tinatanggi nito dati si Annika, dahil ampon lang si Annika ng mga magulang

