"Good morning Mr. Saavedra," bati sa kanya ng PI na inutusan niyang imbestigaan si Rico. Masyado na kasi siyang curious kay Rico kaya gusto niyang alamin ang lahat ng tungkol rito. "Good morning, have a sit," salubong niya sa PI at nakipagkamay siya rito. "May result na po ang pag i-imbestiga ko kay Mr. Rico Tagle," saad ng PI habang inilalapag nito sa mesa ang brown envelope. "Go ahead makikinig ako," sabi niya. "Mr. Tagle po ay may kinakasamang ibang babae,' simula ng PI. "What? Kinakasama?" Tanong niya. Dahil baka si Annika ang tinutukoy ng PI. "Opo Mr. Saavedra," tugon nito at inilabas ang mga larawan na nasa loob ng envelope habang pinapaliwanag sa kanya ng PI ang tungkol kay Rico. Ayun sa PI may matagal ng ka live in si Rico at may anak ang mga ito na anim na taong gulang na.

