Kinabukasan hinihatid siya ni Garreth sa bahay nila. Hindi na muna niya pinapasok si Garreth sa loob ng bahay, para hindi na muna mag-usisa pa ang mga magulang niya. Saka na lang niya sasabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa kanila ni Garreth, pag ok na ang lahat. Masyado pa kasing kumplikado ang lahat ngayon. "Tawagan mo ko pag may kailangan ka," sabi pa nito at hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang kikilos Annika na hindi ko alam. Baka mapahamak ka. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng ni Rico," seryosong sabi ni Garreth sa kanya habang hawak nito ang kamay niya. "I insist na sasama ako pag hinarap mo si Rico, Annika," dagdag pa nito. Kagabi pa nila pinag-uusapan ni Garreth ang bagay na ito. Kung siya lang kasi talaga ayaw na niyang isama pa si Garreth, baka kasi s

