Dahil na rin nakaramdam siya ng gutom ng makita ang chinese foods ay hindi na siya tumanggi pa kay Garreth ay sinabayan na niya itong kumain namimiss na rin naman niyang kumain ng chinese foods. Minsan palang kasi sila ni Rico na kumain sa chinese restaurant at siya pa ang nanlibre noon. Kahit naman hindi siya nadadala ni Rico sa mga sosyal na restaurant ang pagmamahal niya sa nobyo ay ganon pa rin. "Thank's Annika," pasalamat sa kanya ni Garreth matapos nilang mag lunch. "Para saan?" She asked. "Sa pagsabay mo sa akin mag lunch. I hope masundan pa ito," Garreth said. Hindi niya sinagot ang sinabi nito. Bumuntong hininga siya at umayos ng upo saka tumingin sa binata. "Pwede na ba tayo mag usap?" She asked. "Sure," tugon sa kanya ni Garreth. "Mr. Saavedra," simula niya. "Kung pwede