Kinagabihan hindi siya nagpasundo kay Rico sa trabaho niya, baka kasi kung ano pa ang marinig nito sa mga katrabaho niya. At ayaw din niyang makita ito ni Garreth at baka sundan na naman sila nito at mabulilyaso pa ang mga plano niya. Ang usapan nila ni Rico ay magkikita sila sa Saavedra Hotel mamayang alas otso ng gabi at doon na rin sila mag di-dinner ng nobyo. Medyo may kamahalan sa Saavedra Hotel kaya naman siya na lang muna ang gagastos para sa kanila ni Rico. May ipon naman siya kahit papano. Pwede na nga silang magpakasal ni Rico iyon nga lang simpleng kasal lang muna dahil mas importante ang may savings pag kasal na. Iyan na ang susunod niyang plaplanuhin pagkatapos niyang maayos ang gusot sa farm nila. Alam niyang hindi naman tututol ang kanyang mga magulang kung nais na niyang p