Makalipas ang isang buwan bumalik na sila ni Garreth sa Pilipinas. Isang buwan ang tinagal ng kanilang honeymoon dahil palipat-lipat sila ng bansang pinupuntahan. Napakasaya niya dahil tinupad ni Garreth ang pangako nitong ililibot siya nito sa ibat-ibang bansa. Wala na siyang mahihiling pa sa napakabait niyang asawa. Hindi lang mabait, mapagmahal din at napaka suportive sa kanya. Kaya naman lalo siyang nai-inlove kay Garreth. Dahil marami silang bitbit na mga gamit, nagpasundo na lang sila sa driver ni Garreth sa airport. Ang dami kasi nilang bitbit dahil pinamili siya ni Garreth ng mga luxury na gamit. Tumatanggi nga siya, dahil hindi naman niya magagamit masyado ang mga iyon, pero sadyang mapilit si Garreth at ayaw magpasaway. Malapad ang kanilang mga ngiti habang nakasakay sa likuran

