Point of view - Mikaela Sandoval - Sa buhay, may mga taong dumarating at umaalis. Mga taong makakasama mo ngayon at hahayaang maging komportable sa kanilang tabi, ngunit hindi magtatagal, darating din ang araw na kailangan nyong maghiwalay at tahakin ang magkaibang landas. May kanya-kanya man tayong buhay at iba-ibang nais tahakin, iisang alaala pa rin ang ating pinagsaluhan noong panahong tayo ay magkasama pa at tanging isa't isa lang ang nakikita. Alaala na kahit kailan ay hindi na mawawala sa ating isipan. Masama man o mabuti ang alaalang ito, mananatili pa rin ito sa ating isip sa pagpapatuloy ng ating buhay. Lagi nating tatandaan na walang ano man ang permanente sa mundo. Kagandahan, karangyaan, gamit, o maging pag-ibig. Ang lahat ng bagay ay may hangganan. Ang lahat ng i

